Ika-4 na dantaon BC
Ang ika-4 na dantaon BC ay nagsimula noong unang araw ng 400 BC at nagtapos noong huling araw ng 301 BC. Tinuturing itong bahagi ng Klasikong panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.
Milenyo: | ika-1 milenyo BCE |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 390 BCE dekada 380 BCE dekada 370 BCE dekada 360 BCE dekada 350 BCE dekada 340 BCE dekada 330 BCE dekada 320 BCE dekada 310 BCE dekada 300 BCE |
Minarkahan ng siglong ito ang rurok ng Klasikong kabihasnang Griyego sa lahat ng aspeto. Sa pagdating ng 400 BC, kumalat ng malayo at malawak ang Griyegong pilosopiya, sining, panitikan at arkitektura, na may maraming malayang kolonyang Griyego na umusbong sa mga lupain ng silangang Mediteranyo.
Masasabing ang pinakamahalagang serye ng mga pangyayaring pampulitika sa panahong ito ay ang mga pananakop ni Alejandro, na nagdulot sa pagguho ng dating mahirap talunin na Imperyong Persa at kumalat ang kulturang Griyego sa malayong silangan. Pinangarap ni Alejandro ang pag-iisa ng silangan at kanluran, subalit natapos ang kanyang maikling buhay noong in 323 BC, sumubsob ang kanyang napakalaking imperyo sa digmaang sibil habang ang kanyang mga heneral ay kanya-kanyang nagtayo ng kanilang sariling mga kaharian. Sa gayon, nagsimula ang panahong Hellenistiko, isang panahon na kinikilala sa pamamagitan ng isang ganap pagtingin sa pamumuno, kasama ang pagkuha ng mga Griyegong hari sa mga patibong sa paggiging pinuno at pagtatayo ng mga haliling namamana. Habang umiiral pa rin ang isang antas ng demokrasya sa ilan sa natitirang mga lungsod ng Gresya, maraming iskolar ang nakikita ang panahon na ito bilang pagmamarka sa pagtatapos sa klasikong Gresya.
Sa Indya, naitatag ang Imperyong Maurya noong 322 BC ni Chandragupta Maurya na mabilis na pinalawak ang kanyang kapangyarihan tungong kanluran sa ibayo ng gitna at kanlurang Indya, na kinuha ang pakinabang ng pagkagambala ng kapangyarihang lokal, sa kalagayan ng pag-atras ng mga hukbo ni Alejandro.
Pumasok ang Tsina sa ika-4 na dantaon BC sa isang panahon ng patuloy na pakikidigma na kilala bilang ang panahon ng mga Nakikipagdigmang Estado. Nakita sa panahon ang mabilis ng pagbangon ng malaking mga estado (tulad ng Chu) kaysa sa mas maliit na mga estado dahil sa pagsulong ng teknolohiya. Bagaman karaniwang kinikilala ang panahon ng mga dalubhasa sa kasaysayan bilang ang labis na pagiging marahas kumpara noong panahon ng Tagsibol at Taglagas, kapansin-pansin din ang ilang paglago nito sa kalinangan at panlipunan sa pamamagitan ng paglawak sa ilang mga sekta ng Confucianismo at Taoismo, at pagbabalangkas ng kaisipang legalismo.
Mga pangyayari
baguhin- 323 BC Sinakop ni Alejandrong Dakila ang Imperyo ng Persa
- Pagsakop ng mga Celt sa Ireland
Mga mahahalagang tao
baguhin-
Felipe II
- Alejandrong Dakila, hari ng Macedonia
- Darius III, hari ng Imperyong Akemenida
- Demostenes, estadista at mananalumpating taga-Atenas
- Ptolemy I Soter, diadochi na taga-Macedonia at hari ng Ehipto
- Seleucus I Nicator, diadochi na taga-Macedonia at tagapagtatag ng Imperyong Seleucid
- Felipe II ng Macedonia, hari ng Macedonia (ipinanganak 382 , naghari 359 –336 BC )
Sining biswal
baguhin- Lysippos, Griyegong manlililok
Panitikan
baguhin- Xenophon, Griyegong mananalaysay at manunulat
Agham at pilosopiya
baguhin- Aristotle, pilosopo at siyentipiko (384–322 BC).
- Chanakya, Indiyanong ekonomista at tagapayong pampolitika
- Epicurus, Griyegong pilosopo
- Mencius, Tsinong pilosopo
- Plato, pilosopo (mga 427–347 BC)
- Socrates, Griyegong pilosopo
- Xenophon, Griyegong pilosopo, manunulat at mananalaysay
- Seno ng Sityum, Griyegong pilosopo
Mga imbensyon, tuklas, at pagkilala
baguhin- Pinakalumang sulating Brāhmī ay napetsahan sa panahong ito. Ninuno ang Brāhmī ng mga mga sulating Brahimiko, na ginagamit sa Indya at Timog-silangang Asya.
- Itinayo ng mga Romano ang kanilang unang akuwedukto.
- Gumagamit ng mga Tsino sa unang pagkakataon ang balyestang hinahawakan ang kasahan.
- Ang unang balyesta, ang gastraphetes, ay inimbento sa Syracuse. (bago-421 BC)
- Sinunog na bloke o 'pinaapuyang bloke' ay unang ginamit sa mga Kabihasnang Mediteranyo.[1]
- Gilingang pinapaandar ng asno o Gilingang Pompeiiyano ay unang ginamit sa Gresya at Italya.[2]
- Sa Gresya, iminungkahi ni Aristotle ang dibisyon ng kilalang mga agham.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Stefanidou, M (Hulyo 2015). "Analysis and characterization of Roman and Byzantine fired bricks from Greece". Materials and Structures (sa wikang Ingles). 48 (7): 2251–2260. doi:10.1617/s11527-014-0306-7. Nakuha noong 24 Pebrero 2019.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Watts, Sue. "Pompeiian Mill (Animal Powered)". Mills Archive Catalogue (sa wikang Ingles). The Mills Archive Trust. Nakuha noong 24 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)