Ang neurotrasmitter ay mga kemikal na nagpapadala ng mga signal mula sa isang neuron sa ibang neuron. Ang neurotransmitter ay nakabalot sa isang besikulong synaptic na tinipon sa ilalim ng membrane sa presynaptic na bahagi ng isang synapse, at inilabas sa synaptic cleft(pagitan ng axon at dendrite), kung saan sila kumakapit sa mga receptor ng ibang neuron sa postsynaptic na bahagi ng synapse nito. Ang pagkapit ng isang neurotransmitter sa pinadalhang neuron ang nagpapagana sa mga receptor nito at ang uri ng receptor na gagana ay depende sa neurotransmitter na ipinadala ng pinanggalingang neuron sa pinadalhang neuron. Halimbawa, kung ang neurotransmitter ng pinanggalingang neuron ay serotonin, ang receptor na gagana sa pinadalhang neuron ang mga "serotonin receptor". Ang paglabas ng neurotransmitter ay karaniwang nangyayari pagkatapos dumating ang isang elektrikal na aksyon potensyal sa synapse ng isang neuron. Ang mababang antas ng "baseline" na paglabas ng neurotrasmitter ay nangyayari rin nang walang stimulasyong elektrikal. Ang neurotransmitter ay nabubuo mula sa marami at simpleng precursor(mga naunang kemikal na ginagamit sa paglikha ng bagong kemikal), tulad ng amino acid, kung saan ay makukuha mula sa mga pagkain at kung saan ay nangangailangan lamang ng isang maliit na bilang ng mga hakbang upang mabuo ang neurotransmitter.

Straktura ng isang kemikal na synapse
Dalawang neuron na magkakapit. Isang along elektrokemikal na tinatawag na aksyon potensyal ang naglalakbay sa isang axon ng neuron. Pag ang aksyon potensyal na ito ay dumating sa synapse ng isang neuron(nasa itaas), ito ay nagdudulot sa synapse na maglabas ng neurotransmiter na kumakapit sa receptor ng ibang neuron(nasa ilalim) sa kabilang panig na synapse nito

Mga uri ng neurotransmitter

  • Amino acid
    • glutamate: Isang mahalagang neurotransmitter na nagdudulot ng pang-matagalang stimulasyon(potentiation) ng dalawang neuron at mahalaga para sa pagkatuto at memorya.
    • aspartate
    • D-serine
    • γ-aminobutyric acid (GABA): ang neurotransmitter na ito ang responsible sa pagpapagana ng dalawang GABA receptor na GABAA at GABAB na responsable sa pagkontrol at pagpipigil ng pagkasabik(excitability) ng neuron.
    • glycine
  • Monoamine at ibang biogenic amines:
    • dopamine (DA): responsable sa pagpapagana ng limang dopamine receptors—D1, D2, D3, D4, at D5 sa isang neuron. Ang mga dopamine receptor na ito ay responsable sa maraming mga prosesong neurolohikal, kabilang ang motibasyon ng isang tao, kaligayahan, memorya, pagkatuto ng isang tao, at kontrol sa paggalaw, pati na rin sa modulasyon neuroendocrine signaling.
    • norepinephrine (noradrenaline; NE, NA): responsable sa fight-or-flight response(laban o takbo dulot ng stress), pagpapalakas ng kaba sa dibdib, pagpapalakas ng daloy ng dugo sa muscle.
    • epinephrine (adrenaline), histamine: responsable sa fight-or-flight response, pagpapalakas ng kaba sa dibdib, pagpapalakas ng daloy ng dugo sa muscle.
    • serotonin (SE, 5-HT): responsable sa pagpapagana ng pitong 5-HT receptor sa isang neuron na responsable sa maraming prosesong neurolohikal kabilang ang "pakiramdam na kasayahan" sa isang tao. Ang kakulangan ng serotonin ang pinaniniwalaang sanhi ng depresyon sa isang tao.
  • Iba: acetylcholine (ACh), adenosine, anandamide, nitric oxide, etc.