Noong isang araw, sa gitna ng mga gawain sa loob ng parang-hindi-lumalamig na opisina:
Amos (habang nagbabasa ng mga artikulo tungkol sa pagmimina): Serg, ano yung basalt?
Serg (habang tumitiklado sa harap ng kompyuter): Basalt… isang uri yun ng igneous rock!
Tumingin si Serg sa dako nina Amos, Jeff at June. Nakatitig na lang ang tatlo sa mga hilera ng mga babasahin sa kanilang harapan sa conference table.
Mabilis na ginoogle ni Serg kung isang igneous rock nga ang basalt.
Ang larawang ito ay hinugot mula sa http://en.wikipedia.org/wiki/Basalt
Nangiti siya sa search results.
Jeff: E yung limestone?
Serg: Sedimentary rock! Pakigoogle kung tama. (natatawa) Iihi lang ako sandali at baka magkaroon pa ako ng kidney stones o gall stones.
June: Serg with the Kidney Rock! (tumawa) Di ba’t bato ang tawag sa kidney? Ang kidney stone- bato sa bato?!?!?
Ano sa tingin mo ito?!?! Ang larawan ay hango mula sa http://www.emedicinehealth.com/kidney_stones/article_em.htm#
* * *
Pagkaraan ng ilang oras, sa internet chat:
Buds (shoutout): Hand over my heart, I’ll find my way!
Serg: How patriotic! May flag ceremony? Kakanta ba ng pambansang awit??
Ang laro ni Buds. (Ang larawan ay mula sa http://farm4.static.flickr.com/3427/3360891586_8faa74b1be.jpg)
Buds(hindi pinansin ang comment ni Serg sa shoutout, sanay na kasi): Serg, laro tayo ng wheel-of-fortune. Game!
Serg: Sige. Anong category?
Buds: _ A _ _ A. Go!
Serg: BAKLA.
Serg: BAKYA.
Serg: BALYA.
Buds: Ubos na pera mo. Bankrupt ka na.
Serg: e hindi mo naman kasi sinabi kung ano category.
Buds: People.
Serg: BANDA.
Buds: Mali.
Serg: Aw. Sirit na!
Buds: SANTA.
Serg: Ha? Magpo-protesta ako. Hindi dapat kasali ang santa sa category na people. Deds na siya at elevated na sa pagiging tao!
Buds (hindi papansinin si Serg): NEXT CATEGORY: PLACES…..
* * *
Kahapon, tanghaling tapat. Mainit ulit!
Serg: naglunch na kayo?
Bart: hindi pa po
di pa gutom
kaw po
Serg: iniisip ko pa
Bwahahaha
* * *
Hayst! Ang init talaga ng panahon!!
Nakakatuyo ng utak!!! Makapagtagayanswimming nga mamaya….
O ano? Tara na!!! Let's dive in!!!! (Ang larawan ay mula rito. Salamat!)
