Nagsimula ang araw ko sa pagluto ng omeley. Egg, tomato, onion and tuna. Breakfast done! Tapos sinimulan ko nang magprepare papunta kina care bear friend. Magswiswim kasi kami. Aaaand hindi ko nabuo ang 10laps na usual kong ginagawa. Mga 5 lang ata eh. Yoko mag effort muna. Pero pero muntik ko na mabuo yung isang laps! Yung walang tigil tigil na?! Eh kasi tinatry ko itama yung left arm ko sa paghawi ng water hindi ko namalayan malapit na ako sa kabilang dulo. Sayang nga eh. Sana ndi ko na namalayan. Kasi isang dipa na lang sana nabuo ko na pero since narealize ko na hindi pako umaahon akala ko ndi na ko makahinga. So tumayo ako. Tsk. Perstaym sana. Hehehe
Tapos non naggrocery kami. Tapos inabutan pa namin si housemate sa bahay so boom, sya magpriprito. So ang aming lunch for today ay half steamed half fried tilapia by housemate, ginisang bagoong, ginisang kangkong, nilagang talong by care bear friend and brown rice by me. Tagal maluto kaya ng brown rice. Nakahain na kamit lahat hindi pa din luto!!!
Sa sarap ng lunch namin kulang na lang ay beach! :) mahangin na din kasi sa lungga namin ni housemate. Hay sarap.
So ngayon, siesta time for cbf, blogging time for me and as usual larga time for housemate. Gone with the wind na sya. Never to be seen again today...
Sana masaya ang sabado mo, kung hindi man aba gawan mo ng paraan. Tapos kwentuhan mo ko.
Laters.