"Anything that happens all at once is just as likely to unhappen all at once"
-Will Grayson, Will Grayson
December 31, 2012
3:16 AM
BB Torch,
Pero di naman natatapos doon ang dramahan natin. Hindi ba't iniyakan mo din ako noon dahil pressured na pressured ka na sa buhay mo. Pasensya ka na ah pero aaminin ko sayong tuwang tuwa ako noong umiiyak ka sa telepono. Alam mo ba kung bakit? Kasi unti-unti ka ng nag o-open up sa akin. Ibig sabihin unti unti mo na akong pinapa-pasok sa buhay mo. Unti unti na akong nagiging parte ng buhay mo. Alam na alam mo pa naman na gusto ko yun. Ang maging parte ng buhay mo. Yung kasama mo ako sa lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay mo panget man o maganda.
Tapos di ba halos tuwing madaling araw ng weekends tayong magkausap nun. Minsan kahit wala na tayong mapag usapan at kung anu anu na lang ang napag uusapan natin eh okay lang. Walang dull moments. Hindi ako na bo-bored nor hindi ko rin naisip na ibaba yung phone. Yung tipong kahit paghinga mo na lang naririnig ko eh keri lang. Ok na ako dun. Minsan sa sobrang wala na tayong napapag usapan eh si Perry (Regular visitor nila every night. A Gecko) na lang ang pinagdidiskitahan mo... Natin pala. Pag pasensyahan mo na din minsan ang naughtiness ko ah dala lang ng overflowing of emotions. hihi! Our names and birthday made a special connection between the two of us. Pareho tayo ng pangalan at halos ilang araw lang ang pagitan ng birthday natin. Paano pa kita makakalimutan niyan eh nakadikit ka na sa birth certificate ko for the rest of my life? Hahaha!
Habang tinititigan ko tong mga pictures mo sa fb napansin kong--- Muka ka palang shiboli noh? hahah! Joke lang. Okay lang yun meron din naman akong mga anggulo na muka din akong shiboli lalo na pag medyo mahaba na ang buhok ko. Na mi-miss na pala kita. I miss you, I miss everything about you, I miss talking to you, I miss your voice, I miss your laugh, I miss your hilik, I miss your naughtiness, I miss you telling your problems to me.
Then I realized I couldn't wait until February. I'm really excited about it. Hindi ko lang masyadong pinapahalata sayo dahil I don't want to commit the same mistake that I did before. Yung rason kung bakit nawala ka sakin. Yung BIG mistake na nagawa ngayong 2012. Pero alam mo dahil dun ang dami dami kong narealize at natutunan. Ilang buwan ko ding inayos ang puso at sarili ko. Ngayon ko lang din natutunan yung mag hintay para sa isang tao kahit hindi mo naman talaga alam kung may pag asa pang maibalik ang noon. Yung habang nag iintay ka eh inaayos mo ang sarili mo para sa kanya para pag dumating na siya. Ok ka na. Wala ka ng personal issues. wala ng selosan, di na kita ulit ipe-pressure yung chill chill lang pero punung puno ng pagmamahal. Yung mag iintay ka dahil alam mong worth it ang pag iintay mo. Yung handa kang mag risk dahil hindi lang naman kung sino ang iniintay mo eh... kund yung taong mahal mo.May nagsabi sakin sabi niya "Mahal mo pa din siya eh. halata naman". Ganun ba ko ka obvious? Choz! Sa totoo lang nung sinabi niya sa akin yun eh wala namang akong ginagawa. I mean, wala talaga. Siguro it comes out naturally talaga. May nagtanong sa akin noon, bakti ba mahal na mahal mo yan kahit di pa kayo nagkikita at milya ang layo niya sayo. Tumahimik lang ako at ngumiti saglit. Sabi ko
"Lagi na lang tayong naghahanap ng rason o dahilan sa lahat ng mga bagay na hindi natin maipaliwanag. Hindi ko din alam kung bakit ko mahal tong taong to. Siguro wala naman talagang rason para mahalin mo ang isang tao. Dahil kung bibigyan mo ng rason ang bawat pagtibok ng puso mo para sa isang tao, eh baka dumating ang panahong maubusan ka na ng rason para mahalin siya. Simple lang naman ang sagot sa tanong mo eh.. Mahal ko siya walang pero- pero, walang bakit bakit, Mahal ko lang siya. Yun lang."
Bday Gift
Christmas gift
*Biglaan post lang di ko mapigilan lahat ng nararamdaman ko habang tumitingin sa fb mo eh. Nga pala, nagnakaw ako ng pics mo ah. hahaha! bleh :p

































































