Ang hirap ng walang kakampi sa buhay. Mabuti pa sa sugal kahit lagi kang talo alam mong lumalaban ka mag isa. Matalo ka man, alam mong napatagumpayan mong ilayo ang sarili mo sa mga latay ng madidilim mong kaisipan.
Kapag inaatake ako ng anxiety, pakiramdam ko sinasakluban ako ng mga alon sa dagat. Alam niyo yung pakiramdam na takot, na baka mamatay ka sa pagkakalunod? Oo! ganoon ang pakiramdam! Alam mo kasi sa sarili mo na hindi ka marunong lumangoy kaya mas lalo kang magpapanic. Gusto mo agad sagipin ang sarili mo sa pagkakalunod, pero mahirap! At para nga maisalba mo ang sarili mo (lalo na’t mahirap humingi ng tulong sa iba) gagawa ka ng sarili mong salbabida para isalba ang sarili mo.
Tulog! – ‘yan ang nag-iisang kakampi mo na nagdadala sayo sa katahimikan panandalian. At iyan din ang naglalayo sa’yo sa katotohanan na wala ka ng pag-asa. Kumpara sa mga araw noong bida-bida ka pa.
Saan ba pwede makahagilap ng salbabida sa mga pagkakataong gising ka? Sa pamilya? Sa akin kasi hindi, ang hirap humagilap ng pagkakataong lahat na nang bagay ibinigay na sayo para magtino ka, maliban sa isa. Ang hirap magkaroon ng bukas na tenga para sa mga nilalang na hindi nawawalan ng problema. Mula sa maliliit na problema nito, hanggang sa pinaka malalaki… bakit ba hindi nawawala ang bagay na ‘yan? Sana totoo ang kasabihang “lahat ng problema may solusyon”. At sana totoo din ang isa pang kasabihan na “kung walang solusyon, wag na lang problemahin.”
Kaya mas mainam na itulog na lang talaga ang lahat. Umaasa na baka sa paggising natin.., panatag na ang lahat! Pero sa lahat ng pagtulog na yan, lagi na lang akong nananalangin na sana, huling tulog ko na ito. Mahirap gumising at itanong sa bagong araw kung anong bagong lugmok na naman ba ang kanyang ipaparanas? 😦
Ang hirap ng walang kakampi sa buhay. Mabuti pa sa sugal kahit lagi kang talo alam mong lumalaban ka mag isa. Matalo ka man, alam mong napatagumpayan mong ilayo ang sarili mo sa mga latay ng madidilim mong kaisipan. Mabuti pa nga talaga sa sugal may pag-asa, kumpara sa totoong buhay na milagro na lang talaga ang magpapapanalo sayo.., -sa mga talunan mo nang mga baraha!
Haaaay.. ang totoo, gusto ko lang naman mag Starbucks 😦