Sadyang hindi talaga na’tin alam kung kailan at saan susulpot ang mga ganitong sitwasyon. Sitwasyong gustuhin man na’ting balikan, pero nakakatakot na baka mauwi na naman sa isang kalungkutan.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, kung ito ba’y sakit ng kahapon o pagmumulto ng nakaraang hindi ko na gustong maramdaman pang muli.
Kanina nakita ko sa Mcdonalds ang first kiss ko. Hindi ko alam kung sino ang nag udyok sa’kin para pasukin ang kainang iyon, ganoong sa Jollibee naman ako madalas kumakain.
Pagpasok ko sa pinto nakita ko s’ya! Hindi ko alam ang gagawin ko kung babatiin ko ba s’ya o magpapatay malisya na lang.
Kaso nagkatinginan na kami, at sa ganoong akto imposibleng hindi kami magkakilanlan. Itinuro ko s’ya, isang simbolo ng pagbati.
Dumirecho ako sa cashier at umorder. Matapos kong makuha ang order ko, oras na para maupo. Maraming bakanteng upuan malapit sa kanya, pero dahil ayaw ko s’yang malapitan at hindi ko rin alam kung gusto n’ya akong lapitan mas pinili kong maupo sa lamesang pang animang-katao kahit pa may nakaupo doong dalawang tao. (malapit sa pintuan).
Nakatalikod ako sa kanya habang kumakain nang may magsalita at alam kong s’ya iyon.
“kamusta?, ‘san ka galing?”
nauutal akong sumagot.
“Ta…trabaho”
Sabay, kausap sa kanya ng kasama n’ya at tsaka lumabas ng fastfood (ni hindi nga ako pinakilala).
Sadyang hindi talaga na’tin alam kung kailan at saan susulpot ang mga ganitong sitwasyon. Sitwasyong gustuhin man na’ting balikan pero nakakatakot na baka mauwi na naman sa isang kalungkutan.
Hindi naman sa pagkakaroon ng sama ng loob at pagkakaroon ng malalim na sugat. Pero minahal ko yung tao at hindi ako magkakaganito kung wala na talagang pagmamahal. aw.
Wala naman ako masisi sa kanya, dahil unang-una s’ya naman ang nagsabi na huwag na akong umasa. Sa madaling salita, wala siyang pagtingin sa’kin. Sa pinakasukdulan paliwanag, pinagbigyan nya lang talaga ako.
Pero umasa at nagpumilit ako. Inakalang matututunan niya din akong mahalin. Nagkamali ako… hindi pala. 😦
Pero anong magagawa ko? Tila nag mantsa na sa labi ko ang unang kong halik.
Aww!