Ang komento ay komento gaano man kasakit o gaano man ito naka-kagago. Sa pagbablog kasi matatanggap mo lahat ng uri ng komento; pambabastos, pagmumura, paninira at iba pa. Kailangan mong matutuhan at tanggapin ang lahat ng uri nito.
“Charity” – Ito ang tawag sa O.T. (Overtime) na walang bayad. Sa maiksing paliwanag, tinutulungan mo ang isang kumpanya para yumaman. ‘Kaw nagcha-charity work ka ba?
Anong related nito sa next topic ko? wala lang 😀
O’ well, papel, kamakailan nakatanggap ako ng comment mula sa isa kong fan. 😛 (reader pala) hahaha. S’ya ay si Ar’o mula sa e-bahay n’yang may titulong batanglakwatsero.
Nagpapatulong s’ya sa kanilang aralin ukol sa epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito, patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng isang blogger at ng mga mambabasa nito.
At dahil tayming na tayming ito dahil sa nais kong ilahad ngayon, at dahil nais ko ding makatulong ay gagawin ko ito.
UGAT – Nagsimula akong magblog maraming taon na ang nakakalipas. Nag-umpisa ito matapos bumagsak sa College Entrance Exam ng PUP. Sa sobrang kalungkutan na hindi ko makukuha ang totoong gusto kong kurso. At kawalan ng pag-asa na malabo na akong maging broadcaster balang araw, umusbong ang konsepto kong Libre Lang Mangarap.
Naisip ko na lang na gumawa ng isang blog kung saan masasaad ang mga pangarap kong wala ng katuparan. Naniniwala pa rin akong wala namang bayad ang pangangarap. Sa simpleng pamamaraan tulad ng pag bablog, maaari pa rin naman akong makabahagi ng kaunting inspirasyon at aral mula sa mga maisusulat ko.
Pinangako ko kasi sa sarili, na tutuparin ko ito dahil hindi pa naman huli ang lahat. Kumpleto pa rin naman ang katawan ko at nasa matino pa akong pag-iisip kaya posible pa rin ang lahat 🙂
KAHALAGAHAN – Kung may halaga man ang blog sa’kin, ito ang mga tinatawag na:
- Nagkakaroon tayo ng layang maglabas ng kanya-kayang saloobin sa mga bagay-bahay o pagkakaroon ng boses sa mga isyu sa paligid at pamayanan.
- Nagkakaroon tayo ng mga ideya o mas lalo nating naiintindihan ang mga bagay sa simpleng pamamaraan o paliwanag ng opinyon ng iba.
- Nagkakaroon tayo ng kaibigan kung saan nagbibigay sa atin ng mga paalala at gabay. Sa opinyon na iba, nakakapulot tayo ng bagong ideya at aral mula pa rin sa mga nisusulat o naikukwento natin.
- Nagkakaroon tayo ng pagkakataong makihalubilo sa mga taong hindi naman natin kilala sa una. At malayang nakakapagbigay din ng komento na masasabi kong napakahalaga bilang isang mahusay na blogger.
- At higit sa lahat at saganang akin, nagkakaroon tayo ng pag-asa sa mga pangarap na naudlot sa pamamagitan ng pagkukwento at pagsubaybay patungkol dito.
EPEKTO/EMOSYON – Katulad sa pagpapaliwanag ko sa kahalagahan halos katulad din ng epekto ang kahulugan nito. Kung maisisingit man natin ang epekto nito sa emosyonal na mambabasa ito siguro yung:
- Masasabi mong nakakapulot ka ng aral o impormasyon. Habang tumatagal mas lalo pa itong nadaragdagan.
- Siguro, na-ilalagay mo ang sarili mo sa sitwasyon habang binabasa mo ang salaysay ng iba at mapapatanong ka. “Paano kung nangyari din sakin ito?”
- Sa sitwasyong nakakatanggap ka ng magagandang komento, malaking epekto ‘to para mas pag-igihin mo pa ang mga naisusulat mo. Kumbaga sa isang vitamina, ito yung nagbibigay sustansya sa blog mo. sa pamamagitan kasi ng komento masasabi mong naging matagumpay ang post mo.
Malaki talaga ang nagiging epekto nito sa kapwa mambabasa at manunulat. At bilang blogger na napapaloob sa dalawang uri na ‘yan, may opinyon din ako d’yan.
- Mambabasa – Sa maling interpretasyon na maaring makuha nila sa nilalaman ng post mo, maaari din itong maka sugat sa kamalayan ng iba. Ang pagbabablog kasi ay hindi lang napapaloob sa sinasabing malayang pagpapahayag. Bagkus, isa itong responsibilidad. Maari ka kasing makainpluwensya sa mga mambabasa mo.
- Manunulat – sa blogger na tulad ko, dalawa lang ang maaring maging epekto nito mula sa komento ng mambabasa. Epekto na nakakataba ng puso at epekto na nakakasakit ng damdamin. Sabi nga nila, ang komento ang nagiging kabayaran sa mga pagkukuwento mo. Maliban na lang kung may Ads ang blog mo. Kaya nga yung iba halos pasukin na ang lahat ng bahay-blog at magsabi ng “padaan po” para mapuntahan din ang bahay nila. Sa ganoon, makatanggap din sila ng mga komento o puna. Parang ang nagiging batas na nga ngayon sa blog ay “koment mo ko, koment kita” hahaha. (biro lang)
Pero dahil naman doon, umuusbong ang matibay na pag i-spamman este pagkakaibigan. Kaya nga usung-uso na ang GEB (group eye ball).
(At nangalap talaga ako ng case study) 😀
Ayon kay Jason ng jasonhamster ang bagong RIZAL
- Malaki daw ang naging epekto nito sa araw araw n’yang pamumuhay, tulad ng dati n’yang pag ku-computer games ngayon ay pagbablog na lang.
- Sa blog daw kasi nagkakaroon s’ya ng kaibigan yung tipong di ka iiwanan, kumpara sa mga high school o college friend na panandalian lang.
- Sa pamamagitan daw ng blog mas nalalabas n’ya kung sino s’ya at nakakapagpalabas ng kanyang sariling opinyon (tulad ng ibang blogger)
- Kung mayroon man daw na napakalaking pagbabago sa buhay nya ito yung hindi na s’ya naging mahiyain. Oo nga naman, na meet na nga n’ya yata lahat ng blogger Nyahahahahaha 🙂
Sa mga tulad naman nila Rye (Malaysia), Dencio (UAE) at Bluguy (Italy) kapwa nasa iba’t ibang parte ng mundo, paraan din ito para libangin ang sarili sa kapaki-pakinabang ng paraan. At sa aking palagay para din makabalita mula sa kanilang pinanggalingan.
Kung pag-uusapan naman ang emosyon, pumapasok na dito ang iba’t ibang uri ng komento. Ang komento ay komento gaano man kasakit o gaano man ito naka-kagago. Sa pagbablog kasi matatanggap mo lahat ng uri ng komento; pambabastos, pagmumura, paninira at iba pa. Kailangan mong matutuhan at tanggapin ang lahat ng uri nito.
Natanggap ko na ata lahat ng uri nito. Masakit syempre sa una, pero matatanggap mo din ito kalaunan. Dahil sa mga masasakit na puna, doon pa tayo matututo. Doon mo maitatama ang mga bagay na sa tingin ng iba ay di kagandahan. Sa ibang sabi, mapapalawak pa nito ang ang sarili mo sa mga kamalayan.
Waaaa nosebleed na ‘to. Partida tagalog post ‘to.
Hindi ko na kaya!, ganito na lang,
kung gusto n’yo tumulong ukol sa:
Mga epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng blogger at ng mambabasa.
I-koment mo na lang dito, alam kong pangarap mo ding makatulong 🙂