HINDI PA PALA TAPOS ANG LABAN!



Pinapa-confined ako ng ospital pero dahil public hospital nga… Kama nga wala, kwarto pa kaya? Kaya napilitan na lang kaming umuwi sa bahay at dito na lang magpahinga.


Masaya kong ibinalita sa inyo noon na muli na kong nakabalik sa opisina. Hindi sya madali Kung tutuusin, ilang oras din kasi ang binabyahe ko sa araw-araw, at lahat na ng alternatibo kong pwedeng sakyan sinubukan ko na para mabawasan ang pananalagi ko sa kalsada. Wala! Ganun talaga. Mahal ko ang trabaho ko, ang hirap pakawalan pero nahihirapan na talaga ako sa estado ko ngayon.

Kahapon, naulit na naman ang mga sandaling kinakatakutan ko. Muli nanaman akong nag “seizure” o nawalan ng malay sa loob ng bus habang papauwi ako sa cavite mula sa opisina. Hindi ko na matandaan ang mga kaganapan. Nagising na lang ako ng naka upo sa wheelchair habang naka destrose. Awang-awa ako sa sarili ko. Mag-isa. Tulala. Habang tinatanong ako ng mga nurse na hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. Masyado akong lutang noong mga oras na ‘yun. Tanging nararamdaman ko ay may sugat na naman ako sa dila. Hindi ko malaman bakit nasa ganito na naman akong senaryo. Salamat sa mga may mabubuting loob tulad ng kundoktor at driver ng bus na nasakyan ko. Sila ang nagdala sakin sa Ospital ng Muntinlupa. Sana makita ko sila uli sa susunod para personal na pasalamatan.

Pinapa-confined ako ng ospital pero dahil public hospital nga… Kama nga wala, kwarto pa kaya? Kaya napilitan na lang kaming umuwi sa bahay at dito na lang magpahinga.

Malungkot na naman lolo n’yo. Feeling worthless na naman ako. Tutunganga na naman ako nito. Sira na naman ang mga plano ko. Kaya kayo alagaan nyo Ang mga sarili n’yo. Hirap ng ganito. Higit sa lahat ang maging mabuti din kayo sa kapwa n’yo.

Bahala na si batman.

KUWENTONG JEEPNEY


Halos araw-araw na lang nang ginawa ng Diyos pakiramdam ko challenges. Mula sa paghahabol ng oras para hindi ako ma-late sa opisina, hanggang sa mahabang pasensya sa haba ng pila sa mga terminal at usad pagong na traffic pauwi ng bahay. Puro kanegahan na lang ang nakikita natin sa kalsada.

Kanina habang papauwi ako sa bayang sinilangan ko sa Silang, may kakaibang kaganapan akong nasaksihan na nagpangiti sa damdamin ko. Kinulang kasi ng pamasahe si Kuya pero nagbayad pa rin ito. Kulang lang sya ng dalawang piso.

Collector: O ‘pre kulang daw ng Dos yung isang pasahero mo!

Driver: Ayos lang basta nagsasabi.

Pasahero: Pasensya na, kinulang lang talaga.

Driver: Sige.

Ang sarap pala makarinig ng good deeds ng mga tao. Ang lakas makapag motivate ng pagkatao at maka good vibes. Sana lahat ng driver tulad ni manong na sa simpleng dalawang piso… ay marami na s’yang napatabang puso.

Mabuhay si manong Driver!