BUTAS



Masyado na kasi akong nasasaktan sa pakiwari ko. Yung tipong halos isuko ko na ang buhay ko sa mundo para makatakas sa mga nararamdaman ko pero wala pa rin -emo. Yung pagkakataong napapatanong ka rin kung bakit puro puso, utak at kung anu-anong pang laman-loob ang nasasaktan! napaka-unfair! sabi ko ibang part naman ng katawan, para fair -yung pisikal na sakit! ‘Yun nga.., nagawa kong pasakitan ang sarili ko! ang magpa-butas!


Magandang buhay Kapangarap! As usual wala na naman akong magawa. Kaya naman napag-tripan ko na namang butasin muli ang tenga kong halos tatlong taon ding nakasara. Wala lang…, trip lang! Para may magawa.

Sa tulong ng mga Ate ko, pinagtulungan nilang butasin muli ang magkabelang tenga ko. Tae! sobrang sakit! 😦

Napaisip tuloy ako.., noong naospital nga ako hindi ko man naramdaman yung sakit ng pagkakahati ng dila ko sa pagkakagat nito. Ganoon din ang mga injections na itinuturok sakin, iba pa yung sa suwero. Tapos hikaw lang halos magsisigaw ako? hahaha! 😀

BAKIT NGA BA AKO NAGHIKAW?

Masyado na kasi akong nasasaktan sa pakiwari ko. Yung tipong halos isuko ko na ang buhay ko sa mundo para makatakas sa mga nararamdaman ko pero wala pa rin -emo. Yung pagkakataong napapatanong ka rin kung bakit puro puso, utak at kung anu-anong pang laman-loob ang nasasaktan! napaka-unfair! sabi ko ibang part naman ng katawan, para fair -yung pisikal na sakit! ‘Yun nga.., nagawa kong pasakitan ang sarili ko! ang magpa-butas!

Sana ‘sing bilis lang ng pagpapahilom ang pagpapabutas ng tenga kumpara sa ibang sakit na nararamdaman natin sa buhay. Yung tipong kahit alam mong magkakaroon ito ng butas, maghihilom at maghihilom pa rin ito. Sa ibang salita, manaliti man itong butas sa mahabang panahon, alam mong wala na itong dulot na sakit dahil ito ay tuluyan nang naghilom.

Bakit ba kasi may mga bagay na hindi tinatablan ng mga tableta!? Bakit ba may mga bagay na kahit anong gawin mong pagpapahilom ay wala pa rin itong sulusyon kundi tanggapin ang katatohanang hanggang pangarap ka na lang talaga.

Masakit! Sobrang sakit! Ang sakit-sakit na basha!! lol 😛

Ganun pa man, tuloy pa rin ang pangarap. Tulad ng mundo na umiikot, bilog din ang butas pwede pa rin itong umikot. Baka mula sa pagkakalugmok natin mula sa ilalim, ay nasa ibabaw naman tayo bukas.

ANG MUNDO SA KALAWAKAN



Ang init ng araw ay nakakapaso,
Mga likidong nakakahapo.
Matapos ang mga kinahuhumalingan mong pagkapaso,
ang iniiwasan mong taglamig naman ang dadapo.


Hindi napipigil ang alon sa katubigan.
Ganoon man, may angkla na handa kang tulungan.
Nagpapatangay ka sa alon,
Pero bakit mo pinipigilan?

Maliwanag ang buwan,
bitui’y nagliliwanag.
May susunod na kinagabihan pa naman,
Bakit ginugusto mong sana wala na lang?

Ang init ng araw ay nakakapaso,
Mga likidong nakakahapo.
Matapos ang mga kinahuhumalingan mong pagkapaso,
ang iniiwasan mong taglamig naman ang dadapo.

Kinabukasan ay walang kasiguraduhan,
Marapat lang siguro nating tandaan,
Na habang may isang taong naglalaro sa kaulapan,
Maaaring may isang tao ding patuloy nababasa sa lilim ng ulan.

Nakatitig sa magandang nasisilayan.., nagpapatila.
Pinanghihinayangan bawat kisap-matang di mapipigilan.
Anong magagawa ng isang tulad kong hangang tinggin lang;
Kung ang mga mata mo’y nasa ibang parte ng kagandahan.

Siguro nga’y ang puso ng mundo sa sitwasyon ko ay nasa kalagitnaan.
Nararamdaman ko ang init nito… sa patuloy na pag ikot nito sa araw.
Ano kaya ang unang mararating ko…
— ang gitna ng mundo? o ang dulo ng kalawakan?

ANG RESULTA: ‘FAKE’ SEIZURES



Siguro nga hindi ko pa ito taon. I-eenjoy ko na lang ang mga araw na wala akong magawa o ginagawa at isiping nagbabakasyon. Bubuo na lang siguro ako ng mga kwentong katatawanan, maikling kwento, sanaysay at mag ba-blog tutal ‘yun naman ang kinahihiligan ko.


Sa pagkakataon na ito malabo na akong makabalik sa school ngayong pasukan o makabalik sa trabaho, dahil hindi pa rin ako mabibigyan ng medical certificate/clearance. Lumalabas kasi na wala pa ring improvement sa kalusugan ko at wala pa ring proof sa health condition ko. Kahit ako hindi ko na rin sigurado kung minsan ba gawa-gawa ko na lang kapag inaatake ako. Nasabihan tuloy ako ni doktora, nag fi=fake seizures daw ako.

Nakakalungkot mang isipin, tutunganga na naman ako sa mahabang panahon. Tinatamad na rin akong bumalik sa neurologist/psychologist ko. Nawawalan na rin kasi ako ng objective o target sa buhay. Lalo na’t nalaman ko na hindi pala sakop  ng health card ko ang pagpapacheck-up ko. Napaka-lungkot na pinagkakagastusan pala talaga ako. Napaka-swerte ko pala talaga sa magulang ko.  Pero dahil sa sobrang pagmamahal sa akin, nagiging over protective ito.

Habang naghihintay tawagin ni Doc sa De La Salle University Medical Center, Dasmarinas City.

Sa ngayon, lalaklak na naman ako ng napakaraming gamot at muling babalik sa pangatong pagkakataon.

Siguro nga hindi ko pa ito taon. I-eenjoy ko na lang ang mga araw na wala akong magawa o ginagawa at isiping nagbabakasyon. Bubuo na lang siguro ako ng mga kwentong katatawanan, maikling kwento, sanaysay at mag ba-blog tutal ‘yun naman ang kinahihiligan ko.

Nakakalungkot man, pero miss na miss ko na yung mga kaibigan, kamag-aral at mga co-bloggers ko. Hanggang pangarap na lang muna siguro ako na muli kayong makakadaop-palad.

Miss you guys!!! 😦