RM #5: UPDATE-UPDATE DIN PAG MAY TIME



Hanggang maaari, gusto ko talagang maging balanse ang buhay ko. Kaya kahit na antok na antok ako sa gabi, gawa ng maagang pasok sa umaga, gumagawa pa rin ako ng paraan para masunod ito.


Kung isa kayo sa mga libu-libong bumibisita ng blog kong ito kada linggo, (wow! lakas maka-libo hahaha! 😀 ) siguro matatandaan nyo ang bago kong motto -T.I.T.E. (Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy).

Ang panglimang Random Monday (RM) ko na ito ay ang simpleng update ko sa sarili kung ano na ba ang nangyayari sa motto ko sa pagpasok ng bagong buwan ng Marso. (bilis ng araw!)

TRABAHO: 02/27/14

Syempre, isa sa pinaka basic na pinagkukuhaan ng ipon ay ang trabaho. Mahirap mag-ipon kung wala ka naman nito. Kaya mapalad akong nagkaroon ng bago, isang buwan matapos pumasok ang 2014. Nito ngang linggo nakuha ko na ang temporary ID ko :). Nakakaramdam din pala ng kilig dahil sa isang ID Hahaha, ang sarap pala sa pakiramdam na maramdaman mo na isa kang TOTOONG empleyado.

IMG_20140227_175909

Noong araw din na iyon, natanggap ko ang una kong sweldo. Hahahaha Saya!

Matapos din ang dalawang linggong training sumabak na rin ako sa Floor o totoong trabaho. Nakakakaba sa una, kahit naman ngayon. Nandoon yung iniisip mo kung ano din ba ang iniisip nila sayo ng mga bago mong katrabaho. Nakakanosebleed din ang meeting sa kabilang mundo, kahit hindi ka naman nagsasalita at nakikinig lang naman. Kailangan ko na talagang magpakadalubhasa sa English 😀

Sa ngayon, medyo nagagamay ko na trabaho ko, goodluck na lang sa mga susunod na araw.

IPON | 03/02/14

Nitong linggo naman, sinimulan ko nang bilangin yung tag-sasampung piso kong iniipon. Magtataka kayo kung paano ako nakakakuha ng ganito karami. Siguro 50% lang talaga yung akin dyan na sa mga ordinaryong araw ko lang napapasakamay; sukli sa jeep, sukli sa nga nabibili ko sa kainan, the rest pinapapalit ko talaga. Nakakahinayang kasi ipagbili ang 10pesos coin kaya siguro naipon ko ang ganyan karami.

Nang matapos ang January nakaipon ako ng mahigit 2,000pesos na tag 10-peso coin. Katumbas nyan ang isang puno ng lalagyan ng sungclasses ng i-2-i.

IMG_20140312_152405

Matapos muli ang isang buwan (February) muli akong nakapuno ng isa pang case ng sunglasses. ibig sabihin another 2,000 na naman yun. 😀

Sa ngayon meron na akong tagsasampung piso na katumbas ng P4.5K saya!

Isipin nyo kung makakaipon ako o makakapuno ng isang lalagyanan na may tag-2k sa loob ng isang buwan, at ang bawat taon ay mayroon labing dalawang buwan, 12xP2,000.00 = 24k! wower di ba!? Pang South Korea na yun! 😀

TRAVEL  | 03/9/14

Mayroon sana akong major travel ngayong March 15. Aakyat sana ako ng Mt Pulag -ang childhood at adult dream ko. 😦 (serious ako!) At dahil kabago-bago ko lang sa trabaho. At biglaan ang change schedule mukhang suntok sa buwan ang binabalak ko.

Lakas loob pa rin naman akong nagbalak magpa change shift o magpaaalam pero walang nangyari. Headcount daw ang usapin sa account namin, at sa estado ko sa opisina malabo akong makahanap ng taong nanaisipin pumasok ng sabado at linggo. Pero hindi din, wala lang talaga akong ka close dun.

Ayun nganga! 😦

ENJOY | 03/01&8/14

Hanggang maaari, gusto ko talagang maging balanse ang buhay ko. Kaya kahit na antok na antok ako sa gabi, gawa ng maagang pasok sa umaga, gumagawa pa rin ako ng paraan para masunod ito.

Magkasunod na sabado ang ginawa kong pagdayo sa MOA para saksihan ang PYROLYMPICS.

Noong March 1, maganda ang naisip kong sa Starbucks na lang sa MOA tumambay. Kapag bumili ka ng isang drink, mayroon kang stub at makakapasok ka na sa labas. (hahaha ansabe? natawa ako sa makapasok sa labas) Basta yun n ayun! imaginin nyo na lang.

IMG_20140312_152212

Kumportable naman ang upo namin sa labas ng Starbucks matapos makapasok (Hahhaha natawa ako uli lels.) Medyo hindi rin pala kagandaan ang pwesto namin dahil sa puno. Ang maganda lang, hindi na kami nagbayad para sa ticket 🙂

Pagkatapos noon, dumerecho kami sa MusicBank sa Macapagal para kumanta at kumain kasama si Nixon at Jed, Sarap buhay! 😀

IMG_20140312_232007

Nitong March 8 naman, maswerte namang may ticket si Nixon galing sa close-up. ayun Libre kaming nakapasok at na-feel ko ang napakagandang firewooks ng China! galing! Pang-mayaman 🙂

Badtrip moment of the week

Noong nanood nga kami ng Pyrolympics sa MOA bumili ako ng Pizza sa Bus ng Shakeys. 1k ang pera ko at 520 ang bill ko. So para daw suklian nya ako ng 500 nanghingi sya sakin ng 20. Matapos ibigay sakin ang mga nabili ko. Tinanong ko sya kung nasuklian nya na ako. Hindi ako sure kung nasuklian nya ko kaya nga nagtanong ako. Hinalungkat ko ang mga bulsa ko at Bag ko pero wala akong nakita. Pero dahil hindi ako reklamador na tao, umalis na lang ako baka kung saan ko lang naisuksok. Pagkaupo ako, inisa-isa ko ang mga pwede kong pagsingitan pero wala akong nakita. Kaya bumalik ako kay ate at sinabing "Ms. Hindi mo pa talaga ako nasusuklian" walang anu-ano binigay nya agad sakin yung 500.

Maswerte akong naibalik pa sa akin yun. Pero naiinis ako dahil naramdaman ko yung panghihinayang, kahihiyaan at abala dahil lang sa sukling hindi sakin naibigay sa tamang pagkakataon.

Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi na ako kakain sa Shakeys! maliban na lang kung libre. Badtrip.