May mga nagpadala sakin na mula sa opisina. May nagreklamo nga kasi nagpadala sa post office kaso hindi naman nakarating sa akin pero nagpasalamat pa rin ako sa kanya. (hindi ko na inalam kung anong nangyari sa part ng post office). Karamihan sa nagpadala sakin ay mga kapwa bloggers ko. May mga nagpadala din mula sa mga kaibigan, pero nakakatuwa yung iba na di naman nagbablog pero nagpadala din, salamat sa mga readers ko. 🙂
Oo tama! saktong 21 days na lang bago ang birthday ko, pero huwag n’yong isiping 21 years old na rin ako. Basta more that 21 years old na ko ayos na yung info na yun para sa inyo 😀 haha
Last year sobrang pakulo ang ginawa ko, malayo sa mga picture greetings o fan signs bilang pagbati sa kaarawan ko. E since libre lang naman mangarap o mag wish edi sinagad ko na! haha.
Sa kadahilanang gusto ko makareceive ng mga sulat bukod sa mga bills na natatanggap ko, naisipan kong i-birthday wish na lang ang makatanggap ng birthday card/letter mula sa inyo.
Sobrang thankful ako kasi sobrang dami kong natanggap. Natuwa nga ako kasi yung iba sa kanila kahit hindi nakasunod sa instruction ko na ipadaan sa Post Office ay nagawa pa ring mapasakamay ko iyon. Ang iba binigay sakin ng personal (doon pa sinulat yung address nila lol). Tapos yung iba pinadala sa pamamagitan LBC, may laman pang 50 pesos pang-mcd0 daw. Nawala man sa orihinal na aspeto na ma try nila kung paano magpadala ng liham sa pamamagitan ng Post Office, sa kabila ng modernong panahon ngayonn. Sobra-sobra pa rin ang pasasalamat ko kasi malalaman mo kung sino talaga ang maparaan at kung sino talaga yung mag-eefort para sayo. 😀 kilig!
May mga nagpadala sakin na mula sa opisina. May nagreklamo nga kasi nagpadala sa post office kaso hindi naman nakarating sa akin pero nagpasalamat pa rin ako sa kanya. (hindi ko na inalam kung anong nangyari sa part ng post office). Karamihan sa nagpadala sakin ay mga kapwa bloggers ko. May mga nagpadala din mula sa mga kaibigan, pero nakakatuwa yung iba na di naman nagbablog pero nagpadala din, salamat sa mga readers ko. 🙂
Ngayong taon wala pa akong naiisip na pakulo kaya hayaan nyo muna ako mag-count down sa pamamagitan ng ilang pagkakakilanlan sakin. Umpisahan muna na’tin sa:
21 PLACES NA GUSTO KONG PUNTAHAN AT BALIKAN.
Syempre gaya ng sinabi ko “There’s no other place like home” kahit gaano pa kapanget ang lugar nyo, kaingay, kabaho at kahit ano pa. Babalik-balikan nyo iyon dahil doon nabuo ang pagkatao mo. Madalas nga kahit sinusumpa nyo na ang isang lugar may mga bagay talagang nagpapabalik sa inyo doon. Naniniwala akong kapag may iniwanan ka may babalikan ka -hahanap-hanapin nyo yun.
BICOL | PILI, CAMARINES SUR – Nakapunta na ako dito once, at dito ko naranasan ang mapulikatan ng puwet sa haba ng biyahe. haha. Dito lumaki at sinilang ang Mama ko. Syempre masarap isipin at alamin kung saan ang pinagmulan ng magulang mobi, lang pinagmulan mo na rin. Isa pa, dito makikita ang MT. MAYON na hindi ko pa nasisilayan ng personal. Dito din matatagpuan ang Caramoan Islands na laging pinaggaganapan ng Survivor.
APALIT PAMPANGA – Madaming beses na akong napadaan dito, pero nakakahiya dahil naturingang home town ng mga “ZABLAN” ay hindi pa ako nakalagi dito kahit kalating araw lang. Tulad sa Mama ko, gusto ko din alamin ang kinalakihan at pinagmulan ng Papa ko.
Nararamdam ko pa rin hanggang sa ngayon yung naging pakiramdam ko noong una akong bumisita sa isang bahay arugaan sa Tagaytay. Kakaiba yung pakiramdam na makita mo sila at alam mong kahit papaano ay kabilang kang nakapagbigay sa kanila ng saglit na kasiyahan. Gusto ko sanang maulit yun, at kung mabibigayan uli ng pagkakataon sa arugaan naman ng mga matatanda.
Sa totoo lang, pakiramdam ko kapag nagpunta ako dito puro insecurities lang mararamdaman ko dahil sa mga turista dito. Pero mas dapat pala akong ma insecure sa kanila kung iisiping naturingan akong Pinoy pero hindi pa ako dito nakakapunta. [see you on march]
Sa tuwing naririnig ko ang Palawan unang pumapasok sa isipan ko ang El Nido. Ewan ko ba! basta alam ko, manghang-mangha ako kapag na fi-feature ito sa TV. Bukod doon, gusto ko din mapasok ang Under Ground Subterrean River ng Puerta Prinsesa na pasok na sa new 7 wonders of nature. Congrats!
Dahil naman sa isang dokyumentaryo tungkol sa mga mang-aawit ng LOBOC o Loboc Children’s Choir kaya mas gusto kong pumunta dito. Syempre para masaksihan din ang pabolosong Chocolate Hills.
Wala namang specific na gusto kong mapuntahan sa ibang bansa, basta ibang bansa! ayos na yun. Siguro kaya hindi pa ako excited masyado kasi nandun pa yung fear ko magpag-isa dahil hirap pa ako sa english haha!. Pero sa birthday ko, asahan nyo wala ako dito dahil nasa Malaysia ako. (Iwas pakain haha). Syempre given na yung mapuntahan yung mga madalas nating marinig sa ibang bansa: Great Wall of China, Great Pyramid, Jeju Island, Paris, Europe at iba pa.
Haaaay sobrang gusto ko na makarating dun. Try ko talaga next year kung kaya ng budget ko. Gusto ko magpapicture sa kalsada tulad ng pinopost sa FB , yung sa magkabilang gilid ng dagat at bundok, sa gitna ng konkretong pa-zigzag na daan. Sa windmill! sarap mag picture siguro, maligo sa pagudpud, sa maglakad sa vigan, sa paoay church! Yay! nakaka excite!
Kung may aakyatin man akong bundok, gusto ko ito na yun! Gusto kong maranasan ang kakaibang lamig sa gabi at makita ang napakagandang kaulapan sa ibaba nito. Ang sarap siguro sa taas ng bundok na yun. Balita ko nga nagyeyelo daw yun sa pinakamalalamig na buwan tulad ng Disyembre.
Marami daw mapupuntahan dito, pero gusto kong mapuntahan yung Callao Church sa loob ng kweba. Pakiramdam ko kahit hindi ako relihiyoso mapapadasal ako dun, ewan ko lang.
Yeah nakapunta na ako dito. Pero dahil sa sobrang laki ng lungsod na ito ang dami kong hindi napuntahan. Kapos talaga ang limang araw ko doon. Gusto ko mapuntahan yung Samal Island.
Syempre ang Cebu ang isa sa pinaka sikat na lugar sa Pilipinas. Kahit madami akong naririnig na negatibo dito tulad sa mga daan. Iba pa rin kung ikaw ang magpapatunay sa mga naririnig mo. Wala naman akong pakialam dun kung tutuusin dahil gustung-guto ko marating dito. Gusto kong magpapicture sa Magellan Cross.
Mula 2008 hindi pa ako nagmintis makapunta dito kada taon. Ewan ko ba parang nagiging panata ko na ang pag-akyat dito. Hindi kasi nakakasawa. Hindi ko malilimutan yung burger nila dito na kasing lagi ng tinapay yung kamatis na palaman, galing nga e!
May mga blogger akong nakausap tungkol sa mga lugar na ‘to. Sakaling makapunta ako dito “tuhog” ang gagawin ko (Isang biyahe pero madaming mapupuntahan) Gusto ko mapuntahan yung malawak na lupain ng Bukidnon. Madami daw taniman dun kaya siguro tinawag na BUKID-non lol. Doon nanggaling si Idol Migz Zuburi (so alam nyo na sa 2013! maki warrior tayo! haha)
Kung may lugar man na bumisita na sa panaginip ko ito na yun.. Hindi naman sa natakot ako pero nakakita ako ng sementeryo sa ilalim ng tubig. Tapos yung inalam ko kung anong lugar yun, sa Camiguin pala. Ang galing no? kaya gusto ko makarating dito.
Syempre gusto kong makapunta sa lugar ng mga kapatid nating muslim. Gusto ko makakita ng mga cute na estudyante sa mga kasuotan nila papasok ng school. Gusto ko makakita ng mga mosque na na may buwan at bituin. ang kewl siguro nun. 🙂 Gusto ko din makasakay sa Vinta ng Zamboanga 🙂
Hndi lang naman puro gala ang gusto kong gawin. Gusto ko ding balikan yung Bagong Buhay Elementary School. Minsan nadadaan ko ibang-iba na yung sa labas. Paano pa kaya sa loob? Ganoon din yung Arellano High School, balita ko may bagong building. Gusto kong makita muli yung mga guro ko, sariwain ang mga alaala ng kakulitan ko.
Bukod sa gusto ko maka aatend ng MASSKARA festival, may mga lugar din akong gustong marating dun, iba pa yung mga bagay na gusto kong makita 😀 ayiiiiiiiii.
Sino namang tao ang ayaw makarating dito? maski nga mga travel blogger bibihira lang makapunta dito. Hindi dahil sa layo, kundi sa gastos! Kaya nga gustung-gusto ko makapunta dito. Feeling ko kasi hindi madaling puntahan. Parang ang astig kasi! Gusto ko mag bike dun at mahawakan kahit yung ibabang bahagi lang ng light house.
Ano pa bang lugar ang pinaka importante sakin? syempre ang mga lugar na ito kung saan may rice terraces, pangarap ko ‘tong puntahan at hinding-hindi ako magasasawang balik-balikan. Minsan na akong nakapunta sa Sagada at kahit gaano pa yan kalayo sulit na sulit talaga! Basta unexplained! 🙂 Pangarap yun ng pagkabata ko kaya ganoon siguro.
Reserve ko yan. Para sa taong gusto kong makasama. Yung lugar na kahit saan, gaano man kalayo, ka-baho, ka-dumi at kung anu-ano pa, wala kang pipiliing sitwasyon o lugar basta’t kasama kita. este kasama mo sya 🙂 Ayun yung gusto kong mapuntahan at balik-balikan na hindi mawawala sa list ko. Alam mo yun? yung tipong parang… gusto mo iyon lang ang mundo nyong gagalawan tulad ng mundo mong umiikot lang sa kanya. (asim!)
Ayan! in general gusto ko mapuntahan lahat, nilandee ko lang. haha

