Mula noong naupo si Pangulong Aquino sa kanyang trono halos isa-isahin nya na lahat ng tao o pulitikong alam nyang nagkasala sa batas at mamamayan mula sa administrasyong kanyang pinalitan -ang Arroyo. At sa ayaw at gusto natin nagdesisyon na ang impeachment court laban sa nasasakdal na punong hukom ng kataas-taasang korte suprema upang tanggalan ng korona ang nasasakdal. Ang hatol: Guilty! [20-3 (Arroyo, Defensor & Marcos)]
Monthly Archives: May 2012
DULING-DULINGAN
Sa ikalawang pagkakataon muling nagkita-kita ang mga kapwa ko Ubloggers sa United Bloggers Experience (UBE 2) na ginanap sa Tivoli Garden Residences sa Mandaluyong City sa temang Real Estate 101. Bukod sa nakalulula ang lugar dahil nasa 34th floor kami (kung hindi ako nagkakamali) mas nalula ako kung gaano kagarbo ang magkaroon ng isang condo unit. (Hindi pa talaga kaya ng bulsa ko kahit magpatambling-tambling pa ako) Bukod doon nakatutuwang parang ang yaman-yaman pala ng Pilipinas sa mga balak at mga bagong itatayong instraktura pagdating o sa mga susunod na taon. Kasama na dito ang pagpapalawig ng sebisyo ng LRT sa bansa, mga kalye, pati na rin ang Entertainment City. Magkaka tower na rin tayo! yebeee!!
UBE 2: REAL ESTATE 101
At dahil minsan mo lang makita sa personal ang mga kapwa mo blogista ang sarap mag trip! ayun picture-picture with matching duling-dulingan ilang beses ko yun ginawa, may mga ibedensya pa nga ako. Hindi ko alam pero nadadama ko na nagsisimula na palang sumakit ang ulo ko.
Sabi nila baka daw nabanat yung mga nerves ng mata ko kaya sumakit yung sintido ko… hanggang kumalat na hanggang sa namaga ang utak ko.
Dumaan ang linggo pero masakit pa rin ang ulo ko kaya ininuman ko na ng paracetamol. Pag dating ng Lunes nakapasok pa ako pero nilalamig ako sa office na bibihira lang mangyari kahit may aircon pa kami. Ayun, kinagabihan nagsimula na ang lagnat ko na may kasama ng panginginig at ang sakit-sakit talaga ng katawan ko!
Hindi ako nakapasok sa office kinabukasan, at noong kinagabihan hindi na kinaya ng power ko kaya nagpadala na ako sa Ospital.
OSPITAL NG MAYNILA
Noong nakaraang buwan sa hindi inaasahang pagkakataon napadpad ako Medical City sa Ortigas para dalawin ang dating boardmate ko na naoperahan dahil sa mga batu-bato nya sa katawan (hindi ko alam tawag e) basta na operahan sya. Nakakatuwa kasi hindi naman ganoon kalaki wakwak ng tiyan n’ya parang apat ng maliliit na butas lang. Ganoon na pala ka moderno ang panahon ngayon hindi mo na kailangan magpasira ng tiyan para makuha yung nasa loob nito kung ano man yun.
Sobrang ganda ng ospital na yun parang hotel. Ang kuwarto, konting laki na lang isang buong apartment ko na o baka nga kasing laki na. Nagawa ko pa ngang tumae sa CR ng kuwarto alam mo yun? may kusa ng lalabas na tubig para hugasan ang pwet mo. Nagulat nga ako e, sana meron din akong ganun sa bahay. hahaha ganoon ka hi-tech ang ospital na yun.. inidoro lang ang dami pang “push the botton”.
Kaya ganoon na lang siguro ako magkumpara pagdating ko sa Ospital ng Maynila.
Sakay ng taxi, may sumalubong sa amin na guard. Ako unang bumaba pagkabayad ko ng 100pesos, samantalang si mama nag enjoy yata sa taxi kaya ang tagal-tagal bumaba. Walangjo! hinintay pala ang sukli sa taxi e 83 pesos na metro namin. Nakita ko na lang may hawak na syang 20pesos nalugi pa tuloy yung driver. Si Mama talaga.
Lumapit ang guard sa amin may hawak na wheelchair.
Guard: O kaya bang maglakad?
Hindi ako nagsalita at umupo na lang. Nahihilo kasi ako.
Driver: O teka, sino ba ang pasyente?
Taragis na yan! napagkamalan pa palang si Mama yung pasyente at mukhang may sakit sa amin.
Dinala agad ako sa emergency room.
Doctor na mukhang Nurse: Ano pong nangyari? Hindi makalakad?
Hiyang hiya ako sa lagay na yun kasi para akong artista habang nakatingin sila lahat sa akin.
Bigla akong tumayo, pakiramdam ko naglakihan mata nila na mula sa pagkakawheeler e nagmilagrong nakatayo.
Otep: Sabi ko naman Ma, kaya kong maglakad (malakas ng kaunti na may kasamang ka-eplingan para hindi nakakahiya).
At dahil nga sa hindi alam kung anong lagay ko, binigyan ako ng botelya para ihian at kinuhaan ng dugo. Grabe yung nurse na kumuha sa akin ng dugo, hindi ko alam kung licensed nurse na ba o intern palang kasi apat na beses nya akong tinurukan ng injection bago nakuha yung mamahalin kong dugo. Ayun namaga.
Matapos noon dinala na agad sa Laboratory, matapos ang higit isang oras may lumapit sa aking nurse at tinanong kung ako ba si Zablan. Kinabahan ako kasi kukuhaan daw ako uli ng dugo.
Sobrang kinabahan ako noon akala ko kumukuha na ng second opinion baka may kung ano nang nakita sa dugo ko. HIV? AIDS? 😀 Pagnagkataon yun, panghihinayangan ko iyon na hindi ko man naranasan ang buhay romansa ko tapos nagkaroon ako noon? unfair di ba!?
Otep: Nurse bakit po anong nangyari?
Nurse: Nagkamali po ng lalagyanan
Otep: Taragis na yan! ilang oras hinanap ugat ko tapos mali pala (sa isip ko lang yan sinabi)
Ayun isang turok lang sa kaliwa kong kamay napuno na agad ang isang matabang injection. (sabi na e, may something talaga sa unang nurse na tumurok sa akin)
Halos apat na oras din kami naghintay ng resulta, habang nakaupo sa bangkuang pang pasyente lang daw. Grabe hindi man kami nagawang pahigain samantalang emergency yun. Hindi man namin magawang manisi dahil nga sa public yun at mas may nangangailangan sa mga kama na sobrang limitado lang.
Ayun tiis-tiis inabot na kami ng mag aalas-siyete ng umaga bago ako tawagin ng duktor.
Tinignan ang resulta ng Lab ko ayun! walang namang panget na balita, kasi wala namang nakitang abnormalidad.
Pagtingin ko ng reseta. “Paracetamol #8” at “hydrite #14” na inumin ko daw 2-3 liters a day sakaling madehydrate ako sa taas ng lagnat.
Umuwi ako sa bahay na parang wala lang, sana pinahinga ko na lang at tiniis ang sakit kung alam kung bukas gagaling na din naman pala ako. Hindi sana kami napuyat ni Mama.
Ganoon pa naman, malaki ang pasasalamat ko at walang masamang balita sa akin ganoon na rin sa dalawang mababait na doktor at Nurse ng Ospital na Maynila, maliban sa Nurse na nag enjoy sa braso ko kakatusok.
Nakalimutan ko, natawa pa nga ako noon… noong nakakuha na nang dugo yung Nurse.
Nurse: Ayan na ayan na! (parang heksyated lang habang nakikita na may nakukuha na s’yang dugo).
INSURANCE
Matapos ang umagang iyon, maayos naman akong nakapasok sa opisina kinabukasan at napaisip na hinding-hindi na ako magpapadala muli sa public hospital. Kaya naisipan ko nang kumuha ng Insurance. Hindi lang para paghandaan ang kamatayan ko kundi para paghandaan ang mga ganyang uri ng pagkakataon. Ang hirap gumalaw pag alam mong wala kang ipon o investment man lang na pwede mong magalaw.
Isipin mo, kung hindi pa nangyari ang mga bagay na yan, hindi ko maiisip ang kahagahan nang paghahanda o pagpaplano ko sa hinaharap. Saganang akin, hindi ka na lang pala pwedeng umasa sa bangko mo, iba na rin pala kung insured ka.
Kaya kayo isama nyo na rin sa pangarap nyo ang magkaroon ng sariling Health & Life Insurance plus investment.
Sa ngayon mayroon na akong Life Insurance. Health Insurance na lang! 😀
pero ang pinaka natutuhan ko sa pangyayaring ito ang hindi na magduling-dulingan! sakit sa ulo men! 😀
—–
P. S. Hangga’t maaga pa pag-isipan nyo na ang magkaroon ng insurance, habang nadadagdagan kasi ang edad nyo, mas nagmamahal kasi ito. Isa pa natutuhan ko na ang pag-iinvest ay hindi lang sa kung gaano kalaki ang perang naipapasok mo, kundi sa maagang pagpaplano 🙂
x———ooOoo———-x
Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito.
Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap
Maraming Salamat ![]()
COFFEE DREAM CHALLENGE
Ang cool ng shop nila! Nakakatuwa yung mga bulb/light clouds nila na kapag natapat ulo mo, para kang thinking o dreaming! Iyon ay eme-eme ko lang, mema-sabi lang hahaha. Pero ang astig talaga!

Nitong mga nakaraang linggo ka-grabe ang init!, (Buti nga ngayon umuulan na sa Maynila) hindi ako makatagal sa apartment kong ayaw ng talaban ng electric fan. Bukod doon, wala din akong mapaglibangan dahil sira yung TV na ibinalik ko na sa SM Appliance para irepair. Syempre alamang libangin ko ang sarili ko sa kakaibang paraan hahaha kacheapan! (bawal ang green 😀 ) Kaya lumabas na lang ako at pumunta sa malayu-layong lugar.
Ang lakas ng trip ko no?! Dumayo pa ako sa SM Valenzuela para mag-Coffee Dream. Yeah sa SM Valenzuela talaga 😀 Apat palang kasi ang branches ng bago kong favorite na kapihan dito sa Luzon. (SM Mega Mall, SM San Lazaro, SM Dasma. at SM Valenzuela). Ito yung Challenge ko sa sarili ko.. na puntahan lahat ng branches nila. Sa July ko na uumpisahan yung sa Mindanao. lels.
Tamang-tama naman dahil mayroon akong kaibigan malapit doon sa lugar na once in a blue moon ko lang makita.
Itago na lang natin s’ya sa pangalang “Azul” oo nagpapatago s’ya ng identity, pero isasambulat ko ang picture nya sa baba. Hahaha. Huwag kayong maingay may pinagdadaan kasi syang sigwa. Kahihiwalay palang kasi nila ng jowa nya at hindi nya alam kung ano ang gagawin nya. Sabi ko nga magbigti na lang! Hahaha.

Kaya saktung-sakto! i-kape na yan! Minsan kasi sa buhay natin kailangan nating mag-relax, e saan pa ba ang alternative at pwede? syempre doon sa lugar kung saan medyo tahimik habang nagpapakalunod ka sa kape. At doon pwede mo ilabas ang galit mo. hahaha.
Ito na nga yung sinasabi ko noong nakaraan, na mas masarap talaga mag kape (kahit hindi literal na kape iniinom mo) kapag may kausap. Mai-enjoy mo yung pag-inom.
Creamy Irish yung inorder ko (pina-order ko pala), natikman ko na kasi yung Tsoko Freeze last time na pagkasarap-sarap! 🙂 (try ko naman yung iba everytime na pupunta ako sa store nila para matikman ko lahat.

Otep: Ano inorder mo men?Azul: Creamy IrishOtep: Yung sayo?Azul: Creamy Irish dinOtep: Taragis na yan! Sakit mo sa bangs!
Aawayin ko sana sya, kaso na-aalala ko nagdadalamhati pala sya, tapos sya pa nanlibre, sana lahat ng heart broken tulad nya -nanlilibre hahaha.

Ang sarap ng Creamy Irish walang halong kaek-ekan promise!:D Hindi ko lang sure pero sabi sa nababasa ko tungkol sa recipe ng Creamy Irish…may halo daw ‘tong Irish whiskey wow! iko-confirm natin yan!
Ang cool ng shop nila! Nakakatuwa yung mga bulb/light clouds nila na kapag natapat ulo mo, para kang thinking o dreaming! Iyon ay eme-eme ko lang, mema-sabi lang hahaha. Pero ang astig talaga!
Medyo nadidiliman lang ako ng kaunti sa store nila. Siguro pabor yun sa mga may dalang laptop at tab, pero sa tulad kong mahilig magbasa mukhang kailangan kong sa labas gumamit ng mesa . (tanungin nyo ko ang favorite book ko? wala akong masasagot, ganoon ako kahilig magbasa lels.)
Sa last post ko pala tungkol sa coffee dream daming nagtatanong kung sponsor post ba ‘to. MALAKING HINDI sobra lang kasi akong natutuwa sa pangalan sa store. At tungkol naman sa coffee dream challenge ko yun ay pakulo ko lang. Sobra kasi akong boring na tao, ako yung taong hindi mo mapapanatili sa iisang literal na lugar kaya naiisipan ko ‘to.
At dahil sa challenge nga, gusto ko lang sabihin o ihambing na ang “Challenge” at “Pangarap” ay parang iisa lang yan!, kung hindi mo ii-enjoy at paghihirapan, sobrang boring din ng pangarap diba? lalo na kapag nakuha mo sya nang ganoon kadali.
Ang pangarap mas masarap makamtan kapag alam mong matagal mo itong hinintay. Sa bawat daan sa pagtahak mo dito, masarap balikan ang iba’t ibang karanasan makukuha mo. Maiisip mo na lang na marami ka palang kuwentong pwedeng mabuo dito. Ansabe? haha
Nakakadalawang store palang ako, pero sobra na akong nag-eenjoy. Sino gusto sumama sa next Coffee Challenge ko? Pwedeng sa SM San Lazaro pwede ding sa SM Dasma 🙂
HANGGANG SA DULO NG WALANG… MUHAN
Tila nama-maligno ako noong una kang nasilayan,
Nabighani agad ako ng sa iyong hiwaga’t karigtan…
na sa hinuha ko’t panaginip ay hindi ko inaasahan.
Continue reading HANGGANG SA DULO NG WALANG… MUHAN










