I THANK DONNIE & PENG: HOT AIR BALLOON FIESTA 2012


ANG SWERTE-SWERTE KO! Nitong nakaraan nakatanggap ako ng mention (slash) aya sa 17th HOT AIR BALLOON FIESTA mula kay good friend Donie sa Twitter. Siyempre “Oo” agad ako minsan lang ‘to e. At minsan lang magkaroon ng free tickets (nanalo kasi sya sa paraffle) at isa ako sa nabiyayaan.

12:00am hanggang 2:00am ang hintayan namin sa Ayala pero dahil nalaman nyang mula ako sa Manila sa mismong terminal na lang ng Victory liner sa Pasay kami nagkita. Sobrang heksyated ako kahit 3 hours lang tulog ko kaya 12:30am palang nandoon na ako.

Tinext ko si Donie:

Otep: “Asan na kayo here na’ko. Baguio ba sasakyan natin?”

Donnie: “Oo. una ka na?”

Gulat ako! ano namang alam ko sa pupuntahan namin. lels

Naghintay lang ako ng kaunti. 12:45am nandoon na pala sila sa ticket booth , syempre feeling close ako agad noong nagkita-kita na kami. Naghahanap daw sya ng singkit wala daw syang makita. (depende kasi sa mood ang mata ko, minsan sobrang singkit minsan wala lang.)

Tulad sa mga nauna ko nang nameet nag-expect din sila na matangkad ako. hahaha 5’4 lang kaya ako. lels. (average height pa din naman kahit papaano)

Noong nasa unahan na kami ng ticket booth, mga 2:30am pa daw makakabili ng tickets papuntang Dau. At dahil mga 1:00am palang noong mga oras na yun, pumunta muna kami sa Greenbelt para magkape.

2:15am nasa Terminal na kami uli. Kaso noong nasa harapan na kami 4:00 na daw ang susunod na biyahe. Wala nang choice kaya naghintay na lang kami.

Maya-maya bago mag 4:00am nagkaroon ng special trip (ata) na biyaheng pa-Dau lang. Nagtayuan lahat ng tao papunta doon na tila may padating na ang isang malaking Tsunami at ang bus lang iyon ang tanging makakapagligtas sa amin. Parang pelikula  lang  sa Today after Tomorrow habang nag-uunahan sila sa pagpasok sa Library. Hala siksiktan talaga. E ayaw ko ng masikip! ayaw ko ng madumi! ayaw ko ng germs haha (parang maricel lang) Hangga’t maari ayaw ko talaga makipag siksikan kaya give way ako sa mga kababaihan at malalaki pa sakin. (sige na nga ako na pinakamaliit doon).

Noong nasa Bus na kami, hirap na hirap ako kung anong tulog gagawin ko. Medyo antok pa kasi ako kaya kailangan matulog. Nagulat na lang ako noong sa kalagitnaan ng biyahe ay bilang pumereno, akala ko nasa scene na kami ng Final Destination 5 (sa bus din kasi scene noon bago malaglag sa tulay) doon na pala nagsisimula ang heavy traffic dahil sa toll gate.

Ang dami rin pala naming kasabay na magtutungo din sa Hot Air Baloon Fiesta.

Noong nasa Mabalacat Terminal na kami, tanong kami agad kung saan papuntang Hot Air Balloon Festival. Magkatapilok-tapilok pa ako, hindi dahil sa heksyated kundi feeling ko inaantok pa ako dahil sa lamig.

May mga gustong makifriend samin pero dahil choosy kami sa friends hindi naman sinabay joke! Hahaha tatlo lang kasi kasya sa trike e medyo may kalakihan pa naman yung dalawang girl kaya kita-kita na lang daw kami sa sakayan ng Jeep.

Noong umaandar na kung trike sinigawaan ako ni Girl.

Girl: “May Derecho daw! may Derecho daw!”

Otep: “Edi Dumecho ka!” (Attitude!) haha joke lang sabi ko “Umalis na e”. sabay big smile 😀

Kaunting sandali lang nandoon na kami sa paradahan ng mga jeep as is paradahan lang wala kasing jeep.

Nagtanong kami ma despacher kaso wala din siyang magawa kasi wala ngang masakyan. Maya-maya dumating ang isang Jeep at doon biglang nagising ako sa mga nangyari. Nag-unahan muli ang mga tao sa pag-akyat sa Jeep.

Una syempreng nakaakyat yung dalawang kasama ko (parang sanay na sanay makipag-balyahan) joke hahaha!.  Makikibalya na rin sana ako kaso anak ng pucha apat na mga bata yata yung babalyahin ko baby pa yung isa, kaya give way na uli ko.

Sabi ko wala na ‘to. kaya sasabit na ako.

Nasa gitna na ako nakaupo ng Jeep noong tinawag nila ako na may siwang pa pala. Nakanang! naka reserved na pala ako agad.

Sobra paring traffic sa lugar dumadami tuloy kaba namin (mga lima lels) na baka hindi na namin maabutan yung mga hot air balloons.. Ang expected time talaga namin ay 5:30am pero  mag aala-shit-e! na yata noon hahaha..

Natatanaw ko na yung mga parachute kaya nadadagdagan din heksyatmentzzzzzzz namin.

Sa wakas nakadating din kami sa end of the line (parang MRT lang lels) agad kaming bumaba at naglakad. Sobrang layo pa pala. Yung mga sasakyan sa kalsada kilos pagong na rin sa dami ng taong tumatawid parang scene lang sa WalkingDead yung mga sasakyan haha.

Ayun hanggang isa-isa nang nagliparan ang mga hot air baloons wala na kaming ibang nagawa kundi mag babye. joke lang! todo picture pa rin kami kahit hindi gaano kaganda ang anggolo.

Sa totoo lang sobrang ganda ng klima noong mga oras na iyon walang kainit-init kaso wala ding araw na higit na kailangan para sa ikagaganda ng mga kuha.

Pagpasok namin sa loob ang daming pwedeng gawin, parang concert lang! pwede ding parang sementeryo lang! hahaha ang dami kasing tao. Alam nyo yung sinaryo kapag araw ng mga patay sa Manila North Cemetery? parang ganun yung dagsa ng tao.

Gala kami agad, pinuntahan namin yung mga eroplanong hawak kamay lang. Ang daming nagsa-saranggola na nagmistulang mga banderitas sa piyesta.

Mabilis ang mga pangyayari namalayan na lang namin na pauwi na kami., Gaya ng unang gawi, lakad mode kami na pagkalayo-layo.

Haaaaaaaaaay. hindi ko in-expect na minsan sa buhay ko ay mapupuntan ko pala ang minsang napapanood at nakikita ko sa TV at print. Minsan kahit hindi mo naman pinangarap ng husto ang isang bahay matutupad pa din ito sa mga kaganapang hindi mo inaasahan.

Pero alam nyo naisip ko lang.., na ang mga hot air balloons pala ay para ding napakalaki at napakatayog na pangarap. Kinakailangan mo lang itong gatungan ng inspirasyon at paliyabin ng pag-asa para umangat. Sa ganoon kapag sumapat na ang init o inerhiya nito ay malaya ka nang makakapaglayag. At ang tanging gagawin mo na lang kapag nasa himpapawid ka na ay kontrolin ito kung paano mo ito panghahawakan.

Muli, Salamat sa mga bago kong kaibigan na sina Donnie at Penggay 😀

Sa uulitin lels.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Maraming Salamat muli sa (2) dalawa na namang karagdagang email subscribers |  followers! HAY LUV U OL

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Salamat :)

EPIKO NG ‘LINOG’



Sa pamamagitan ng kanilang mga engkanto, natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo at sa isang iglap, nanghina si Saragnayan. Ito na ang naging wakas nito. Natamaan siya ng palaso ni Baranugun. Sa dalawang mata siya napatamaan. Sa lakas ng sigaw niya, nabuwal ang mga puno at nanginig ang daigdig at nagdilim. Iyon ang unang LINDOL at unang gabi.


Noong nabubuhay pa ang Papa ko madalas kong marinig habang nag-iinuman sila ng mga kapwa sunog-baga n’yang kapitbahay ang joke ukol sa lindol sa langit.

Papa: Alam mo ba Pre, sa langit nagkakalindol din?
Boy (pangalan ng tropa ni Papa) : Owwws..?

Papa: Oo nga! Alam mo din ba ang tawag sa lindol sa langit?
Boy: edi earthquake!

Papa: Tanga! langit nga di ba? Edi heavenquake!
Boy: OO nga no! hahaha Ikaw na!

Papa:  Hahahaha No Boy! Ikaw na! 😀

Ishmael Narag

Naku yari! Hindi ko pala  dapat dinadaan sa Joke ang lindol. Kamakailan lang kasi niyanig ng 6.9 magnitude ang buong Visayas kasama na rin ang ilang bahagi ng Luzon at Mindanao hindi pa daw ito major earthquake  pero habang isinusulat ko ito pinangangambahan na hihigit pa sa 100 katao ang nasawi dahil sa Lindol nitong nakaraang lunes.

Nitong Lunes din napanood ko ang SONA (State of the Nation Address with Jessica Soho) [manood kayo lagi nito ang ganda ng format kumpara sa 24 oras at TV patrol, walang kaechengan at gustung-gusto ko ang ang palitan ng conversation sa pagitan ng reporter, interviewee at ni Jessica Soho] Share lang.

Yun nga, Napanood ko yung interview kay Ishmael Narag Officer-in-Charge  ng PHIVOLCS-DOST ukol pa rin sa naganap at nagaganap na lindol sa Visayas. Ang dami kong natutuhan dito lalo na noong nagtanong si Jessica Soho ukol sa mga ninuno o nakatatanda na baka may natala o naramdaman na pagyanig na dito noong una,  ganoong sabi nga sa mga ulat ang nasabing lindol ay nagmula sa bagong fault o mga bagong bitak na ngayon lang nadiskubre.

Natuwa ako sa sagot ni Ginoong Narag, kasi aniya hindi lang sa mga nakatatanda, bagkus pati na rin sa mga epiko o mga kwentong bayan ay puwede tayo makakuha ng mga impormasyon. Nabanggit n’ya nga yung ukol sa epiko ng BIAG NI LAM – ANG. (Nakahanap ako ng kopya pero hindi ko nahanap yung magic word na lindol). Sa katunayan pa nga daw, marami pa daw katawagan ang lindol sa pilipinas tulad ng “linog” at iba pa.

Napa-search tuloy ako ng de oras. Ang astig kaya! Biruin mo, ang mga epiko kahit may mga kwentong kahiwagaan, ay may mga kabuntot talagang kasaysayan. Kaya pala ganoon ang pagtatalakay sa kwento ng epik-seryeng “AMAYA”.

May nahanap naman akong ibang epikong bisaya ito ng Labaw Donggon, sa ilang bahagi nga ng kwento kinakitaan ko nga ito ng salitang “lindol”

Sa pamamagitan ng kanilang mga engkanto, natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo at sa isang iglap, nanghina si Saragnayan. Ito na ang naging wakas nito. Natamaan siya ng palaso ni Baranugun. Sa dalawang mata siya napatamaan. Sa lakas ng sigaw niya, nabuwal ang mga puno at nanginig ang daigdig at nagdilim. Iyon ang unang LINDOL at unang gabi.

Ang kewl di ba?

Ganoon pa man kahit kapos ang pamahalaan upang tustusan ang pangangailangan ng ahensyang  higit na kailangan ng ating bayan (PHILVOCS), katulad sa mga ganitong pangyayari dulot ng natural na kalamidad. Lalung-lalo na ang mga bagong tuklas na kagamitan sa pagpapadali ng pagtuklas ng mga bagong bitak o fault line, nakatutuwa na nagagamit natin ang luma o napaglipasang kasaysayan sa mga ganitong bagay.

Ewan ko ba! pero angas na angas ako kapag kasaysayan ang pinag-uusapan. 😀

Libre pa rin naman mangarap sa mga bagong kagamitan para sa PHILVOCS.

MABUHAY KAYO! 🙂