Hindi na ako nakatira sa mama ko ngayon, pinilit kong mapag-isa at kung saan na lang tumira. Natatakot kasi ako sa sitwasyong, iiwan na ako ni Mama tapos hindi ko magawang tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko naman -sa pinaghahandaan, gusto ko lang talagang matuto at huwag magpaalaga na.
Ilang beses ko na nakwento dito si Mama . Ewan ko lang kung naaalala pa ng ibang readers ko yung kwento tungkol sa TV commercial ng Clear Shampoo.
Ginaya ko kasi noon si Rain sabi ko.. “My name is Rain…” Maya-maya narinig ko na lang si mama noon … “My name is Nicole” haha. 😀 lumagpak ako nun sa kakatawa. haha..
Nakuwento ko na rin dito yung tungkol sa mga nareregalo ko sa kanya tuwing pasko: silver na hikaw, silver na relo.. kaya natawa na lang ako noon nung binigkas niya ang:
“puro selver na lang, mukha na akong selver?”
Ang totoo n’yan hindi naman talaga nakakatawa ang ikukuwento ko ngayon. medyo nagi-guilty kasi ako sa mga pangyayari.
Noong pasko, nakaligtaan kong bigyan ng regalo Mama ko. Inisip ko kasi na okay lang naman kung siya ang ‘yung huli kong bibigyan. Alam ko kasing mauunawain mama ko.
Ayun! nakaraan ko lang nabigyan ng regalo si Mama -isang pink na jacket mula sa BUM Equipment para bagets ang dating.
Alam n’yo, sobra akong na guilty noong makitang sobrang excited si mama noong kinuha nya ito. Naisip ko na sa isang magulang pala kahit anong bagay ang ibigay natin sa kanila ay sobra nilang kinakasaya. Ewan ko ba basta ganun ko naramdaman noong napasakamay nya na ito. Mas lalo na nung nakatulugan n’ya ito habang suot at may label o sticker pa.
Noong gabing iyon, napaisip ako sana pala si Mama na lang ang inuna kong bigyan. 😦
Hindi na ako nakatira sa mama ko ngayon, pinilit kong mapag-isa at kung saan na lang tumira. Natatakot kasi ako sa sitwasyong, iiwan na ako ni Mama tapos hindi ko magawang tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko naman -sa pinaghahandaan, gusto ko lang talagang matuto at huwag magpaalaga na.
Ganoon pala ang pakiramdam pag malayo sa nagiisa mong magulang, yung tipong mas nararamdaman mo ang kalinga ng isang ina kahit hindi ka na nya pisikal na naalagaan.
Mas nadadama mo ang pangaral sa text kaysa sa personal.
tulad noong nakaraan nag text s’ya sa’kin: Reply ‘to ni Mama tungkol sa text ko sa kanya, na kaya ko na sarili ko kaya wag na s’yang mag-alala. -na kaya ko na ang lahat!
Alam ko ‘di ka makakatapos kung bobo ka, ang akin lang, habang nabubuhay pa ako, ipapaalala ko sayo ang dapat. Di ba kasi kapag nag uusap tayo galit ka kaagad parang lumalabas na wala akong kuwentang Ina. Di kita kayang pagsabihan. Grade 6 lang ako, hindi ako nakapag High School, mahina ang diskarte ng magulang ko. Ako kahit ganito, gusto ko makatapos kayo kahit maglabada, kasi kapag walang alam sa ngayon kawawa ka di ba?. Di ka makakakilala nang mga mataas na may pinag aralan. Isa ako sa mahirap na nilalang, pambili lang nang papel ako pa ang naghahanap pero kayo ni minsan di ninyo pa naranasan ‘yan. Ngayong kumikita ka na, napupunta lang sa wala. Pagdating nang araw baka magsisi ka, ang mga araw na dumadaan di na bumabalik pero ang tao tumatanda at nanghihina. Nagpapaalala lang ako sayo baka sakaling maisip mo na “kahit ganyan si Mama, tama rin pala” Goodnight. Sweet dream.. Paalala sa tao naliligaw nang landas di na maalala ang Diyos. Bye
-Isang malaking Aw!
Aktwual na text yan ni Mama, short cut yan.. binuo ko lang yung mga words.
Ayako na nga. tatapusin ko na ‘to naiiyak na ko. 😦 (seryoso)
Basta masasabi ko lang, wala din namang anak na hindi nangarap para sa magulang nang kaginhawaan. 😦