Pati mga lugar na hindi dapat dinidikitan ay dinidikitan pa rin nila. Pati na rin yung mga magagandang pader at harang na may desenyo. Mayroon pa nga akong nakitang mga bakas ng mga poster na pinatungan o dinikitan uli kung sino mang pulitikong tumatakbo iyon. Mga ayaw talaga mag paawat at magpatalo.
Opisyal na talagang nag-umpisa ang pangangampanya para sa mga lokal na posisyon para sa nalalapit na halalan.
At kung noon pa man ay madumi na talaga ang Maynila dahil sa mga mala bandiritas na mga campaign materials, mas lalo pa itong dumudumi ngayon.
Kanina, nanggaling ako sa Cavite at dumaan ang sinasakyan kong bus sa kahabaan ng Osmeña highway at Quirino Avenue sa Maynila.
Nakakalungkot makita na dahil sa eleksyon, literal na nadudungisan ang ating kapaligiran.
Mas lalo pang nakakainis dahil sa napakarami at namumukod tanging mga posters ni Atienza. ‘Di bali na sana kung paisa-isa lang at magkakalayo, ang kaso pinagdikit-dikit pa ito. Kulang na lang pati gitna na kalsada ay dikitan nila. (sayang hindi ko nakuhaan ng picture)
Pati mga lugar na hindi dapat dinidikitan ay dinidikitan pa rin nila. Pati na rin yung mga magagandang pader at harang na may desenyo. Mayroon pa nga akong nakitang mga bakas ng mga poster na pinatungan o dinikitan uli kung sino mang pulitikong tumatakbo iyon. Mga ayaw talaga mag paawat at magpatalo.
Ano kaya masasabi dito ng mga pulitiko lalung-lalo na si Atienza sa pulang-pula nitong poster? -Hindi s’ya nagdikit nito? Malamang hindi siya nagdikit nito, pero sana sinasabihan nya ang mga staff niya sa tamang dikitan at lalagyan ng pagmumukha nila.
Nakakatawa lang na ang dating DENR Secretary na nangangalaga sa kalikasan ay s’ya pang promotor ng mga bagay na hindi kaaya-aya sa mata ng karamihan.
Noong nakaraan nagkaroon ng isyu sa baklasan ng pagmumukha ni Atienza sa lansangan, tinanggi naman ito ni Lim, pero kung sino man yun, nagpapasalamat ako sa kanya dahil ang sagwa-sagwa talaga.
Binibigyan lang ng dahilan ni Atienza ang mamamayang Manileño para hindi na s’ya iluklok sa puwesto, dahil saganang akin, sobrang nakaka turn off!
Madami pa namang pagpipilian diyan, na may puso at mas karapat-dapat sa mga sa katagang ‘buhayin ang Maynila’, na hindi na kinakailangan pang dinudungisan ang kapaligiran. Bagkus ay kayang linisin at ikarangal ang Maynila.
Pangarap kong makapagluklok tayo ng alkaldeng tutupad sa pangarap natin para sa bayan at kalikasan!
