PADYAK PA! PADYAK!



Kaya kung boboto ka, at wala sa isa sa mga  kumakandidato ang mga tipo mo.., Kahit kalahati man lang sa mga katanginan na kandidatong pinapangarap mo ang iboto mo!


Eleksyo na naman! ang dami na tuloy mga meme patungkol sa mga political ads sa mga text messages tulad nito:




Dahil dyan, iba na daw ang tawag sa kanya. Ang dating Mr. Palengke ngayon ay “Pambansang Pedicab Driver” na,

Kanya-kanya talaga silang pamamaraan para makahatak ng boto. Pinagkakagastusan talaga ng mga kandidato ang kanilang mga kandidatura. Magkano kaya bayad nila sa isang TV commercial? Mapapaisip ka talaga paano kaya nila ito babawiin kapag nahalal na sila?

Ganoon pa man marami pa ring nangangarap na makaka jackpot din tayo sa pagkakahalan ng isang magiting na presidente.

Tulad natin, nangangarap din ang mga politiko para maupuan ang kanilang inaasam-asam na pwesto. Kahit nga wala pang election period may kanya-kanhya na silang TV commercial. Pero sabi ng Comelec hangga;t walang nasasaad o nasasabi sa isang patalastas na ‘Iboto mo ako’ o ‘iboto sa dadating na eleksyon’, hindi pa ito maituturing na pangangampanya. Kaya kanya-kaya na talaga silang TV commercial. Sino niloko nyo? haha

Ayun!, kanya-kanya silang TV ads na maituturing na rin na maagang pangangampanya.

Biruin mo, pati mga itik ay isinasama na rin sa maagang pangangampanya?

Kaso, medyo hindi yata kumita kaya bumalik sa OFW si MANNY VILLAR

“Ang mga naghihirap, hindi dapat pinahihirapan”

Pero infairness naman talaga kay VILLAR, nakakatulong talaga s’ya. Sa ngayon s’ya pa lang ang malapit sa tumb mark ko. Pero bahala na. Para kasi sa’kin masyado na s’yang mayaman, para magpayamam pa.

Ewan ko lang ha. di ko sure 😀

“Pagbabago, Panahon na.. Kasama n’yo’ ko”

Medyo nauna nang manlamang , este! naun nang maglagay ng  TV ad si Loren kaya di na na’tin s’ya gaanong nakikita sa ngayon.

Kayo na lang humusga sa nilalaman ng Ad n’ya kung nasaan ang advocacy n’ya.

Nagkalat na din ang mga tarpaulin  ni Binay sa Makati na naghahayag ng pagsuporta sa kanya sa pagtakbo bilang Presidente.

Masyado na ngang natutuwa sa kanya ang mga tagahanga n’ya kaya binasagan na s’yang JOBAMA -ang local version daw ni OBAMA ng America.

Ilang linggo na ring Umiera ang TV Ad ng Makati at siyempre bida dito ang kanilang Alkalde.

“Ganito sa Makati, Ganito din sana sa buong bayan”

Oha, san ka pa? Isipin n’yo na lang kapag naging Presidente si Binay.

Lahat na daw ng Senior Citizens at makakanood na ng Sine ( kaya papangarapin mo na maging senior agad. lol)

Sa edukasyon naman, lahat daw ng mahihirap na estudyante ay makakapag aral na.

Ganoon din sa usaping kalusugan: Lahat ng mahihirap ay makakapagpagamot na!

Ganyan talaga ang eleksyon, Ligaw kung ligaw talaga ang ginagawa ng mga politiko sa iba’t ibang pamamaraan. Kaya ayusin mo ang pagbili sa bagong pauupuin mo sa gobyerno. Tandaan na ang isang boto mo, ay bahagi ng malaking pagbabago. Pagbabago sa kaayusan o pagbabago sa nito sa kabaliktaran.

Kaya kung boboto ka, at wala sa isa sa mga  kumakandidato ang mga tipo mo.., Kahit kalahati man lang sa mga katanginan na kandidatong pinapangarap mo ang iboto mo!