Sa totoo lang, okay na sa’kin yung Planner tutal nakalibre na naman ako sa kanila ng worth P170 na kape noong naubusan ako ng planner at mabigyan ng coupon. Pero mas umabot ang ngiti ko hanggang tenga (kalabisan) noong nalamang may free bag pa 😀
Mababaw lang ang kaligayahan ko, kaya nakakatuwang malaman na nagkaroon ako ng biyaya mula sa Starbucks. 😀

Kahapon, nanggaling ako sa Starbucks SM Manila (syempre) para bumili ng chocolate frapped. Palabas na ako ng nasabing coffee shop ng maalala ko ang pinareserved at pinangako nilang Planner na maidideliver daw by March 20.
At di nga nila ako binigo, nakuha nila expectations ko sa bag.. ayos na ayos!! Kulay Black pa. 😀
Sa totoo lang, okay na sa’kin yung Planner tutal nakalibre na naman ako sa kanila ng worth P170 na kape noong naubusan ako ng planner at mabigyan ng coupon. Pero mas umabot ang ngiti ko hanggang tenga (kalabisan) noong nalamang may free bag pa 😀
Ayos! tayming dahil, tatlong buwan ko ng hindi nalalabahan ang bag kong binili sa Gateway sa Araneta (susyal) imitation nga lang ng Puma. hehehe..
Sa madaling salita mapapalitan ko na ang luma kong bag na orig pa!
Aside pala sa Bag at Planner may kasama pa itong free drink na ipanglilibre mo sa sa kasama mong magkakape sa susunod mong pagbisita sa shop nila..
ayos talaga!
Ang galing ng Marketing Department na nag-isip ng ganyang promotions.
Salamat Starbucks.. 😀
Sa susunod uli..