ANG CLOWN BAW!



Noong college kasi kami kilala s’ya sa pagiging kengkoy dahil sa lakas ng bunganga n’ya sa pagpapatawa at kakulitan, pero sa likod ng kantang malulutong ng tawa, at matatamis na ngiti, nakakubli pala ang nakakalungkot na katotohanan. (problemang pang-pinansyal at sa pamilya)


Ugali kong mag-email kay sir Howie, sa tuwing napapanood ko ang dokyu niya, nakakainspired kasi saka nakakataba ng puso sa tuwing mag rereply s’ya.

Narito ang e-mail ko sa kanya matapos kong mapanood ang dokyu niyang pinamagatang ‘ANG CLOWN… BOW’

Dear Sir Howie,

Sa dokyu n’yo kagabi na alala ko tuloy best friend ko na si Tinay na hindi ko na nakikita ngayon, (sad).

Noong college kasi kami kilala s’ya sa pagiging kengkoy dahil sa lakas ng bunganga n’ya sa pagpapatawa at kakulitan, pero sa likod ng kantang malulutong ng tawa, at matatamis na ngiti, nakakubli pala ang nakakalungkot na katotohanan. (problemang pang-pinansyal at sa pamilya)

iniisip ko na nga lang, na kaya n’ya nagagawa ang maging masaya ay para makalimutan kung anong problema ang dinadala n’ya.

Minsan nasasabi n’ya sa’kin na maswerte daw siya at nakilala nya kami, dahil doon mas nagkakaroon s’ya ng pagkakataon para takasan ang kalungkutan.

Katulad din sa grupo ng mga payaso, na kahit ganoon ang kanilang sitwasyon ay magkakasama pa rin sila.

anu-ano pa man, maganda pa rin ang simbolo ng payaso sa’tin. ang mga hatid nitong positibong katangian sa mga tao, hindi lang sa mga bata patin na rin sa atin.

Walang taong walang problema ‘di ba sir howie?, ganoon pa man, kahit may probema tayo hindi nangangahulugang hindi tayo pwedeng maging masaya at magpasaya ng ibang tao.

hahahaha… naalala ko tuloy custome nyo sir howie, kamukha n’yo talaga si Super Mario… hahahaha galing n’yo talaga!!

Salamat po.

-Otep