“Paano kita maiintindihan, kung sarili ko nga ay hindi ko maintindihan?”
Kagabi sa payo na rin ni pareng Dencios, pumunta ako sa lugar na makakapagrelax ako -sa Luneta. Pero malungkot pa rin akong umuwi. Sa paglalakad, naagaw ang atensyon ko sa mga footlight ng National Museum.
Pare ko me’ron akong problema
Wag mong sabihing na naman
In’lab ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan
Noong isang gabi, nakausap ko si DENCIOS sa pamamagitan ng Yahoo Messenger/Meebo.com. Kung maitatanong n’yo kung sino s’ya, S’ya ang Blog Buddy ko -isang ordinaryong taong mas piniling maghanap buhay sa ibayong dagat. Pero extra ordinaryo s’ya para sakin. Lols.
Mapalad ako dahil nakilala ko s’ya. Isang taong maari ko nang ituring na utol, dahil magaan ang loob ko sa kanya, sa totoo lang nasabihan ko na s’ya ukol sa bagay-bagay na hindi ko pa nasasabi sa iba. hehehe (curious ka? amin na lang yun).
Wag na nating idaan sa moboteng usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan
Wala namang bago sa’kin kung tutuusin, lagi na lang ako nalulungkot, as in literal na malungkot. wala naman akong iba masisi kundi ang sarili ko, at ang puso kung bakit ako tinubuan nito. Isa akong biktima! biktima ng napakataksil na puso at nasasaktan ako ng ganito.
Nagawa ko na ring tumoma mag-isa, pero wala din epekto, ang pag ibig at pag-ibig pa rin ang naalala ko.
sabi sakin ni parekoy sa PM nya, na pumunta na lang daw ako sa isang lugar at doon ay maupo, isipin ang mga masasayang alala… pero gawin ko man yun, wala pa ring mangyayari, dahil pag ginawa kong alalahanin ang mga masasayang nakaraan, mas lalo iyong magbubunsod sa’kin sa kalungkutan.
Anong sarap, kami’y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Yun pala haggang dun lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa
Alam n’yo parekoy, ang Blog na ito ang nagiging sandigan ko, nasusumbungan at napapagkwentuhan ng mga bagay-bagay na hindi ko naikukwento sa pamilya at kaibigan. Alam ko kasing sa ganoong paraan alam kong may nakikinig at nakakaalam kung anong hinagpis meron ako na hindi ko masabi ng personal. Maswerte din ako dahil hindi ko man kayo nakikita o nakakausap ng personal masasabi kong nakakahanap ako ng tunay na kaibigan.
Masakit mang isipin kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging siryoso tsaka ka niya gagaguhin
Gusto kong mag-sumbong sa inyong lahat, nais kong umaktong batang umiiyak,
Gusto kong makadama ng pagsuyo at pag-samo, mabawasan itong nararamdang hindi ordinaryo.
O, Diyos ko ano ba naman ito?
Di ba, tangina!
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Lecheng pag-ibig to-o-oh
O Diyos ko ano ba naman ito
Madalas ko ring murahin ang sitwasyon, wala naman akong ginagawang masama, pero tila napaparusahan ako, at dala-dala ko itong kalungkutan.
Madalas din akong magtanong, pero tila isa akong pipi, na walang nakakarinig kaya wala ring nakakasagot.
Sabi niya ayaw niya munang magka-s’yota
Dehins ako naniwala
Di nagtagal naging ganun na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya
Kung lahat lang ng tanong ay pwedeng sagutin, sana hindi ako nagkakaganito.
Hindi na ako magtatanong, ay marahil mauuwi na ang lahat sa ordinaryo
wala ng dahilan para malugmok sa kalungkutan, pero ito ako! nagtatanong…
bakit ganito sila at ako
Ba’t ba ang labo niya?
Di ko mapinta!
Hanggang kelan maghihintay ako ay nabuburat na!
Marami na rin nagsabi sakin, na i-enjoy ko na lang ang buhay, pero hindi ko naman alam kung paano sisimulan.
Masyado daw kasi akong atat kaya ako nalulungkot.
Hindi ako makapaghintay sa mga bagay na nakalaan sa’kin.
Pero minamahal ko siya-a-ha
Di biro, T.L. ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo
May mga tao na ring patuloy na naaasar sa’kin, dahil hindi daw nila ako maintindihan at ayaw ko silang intindihin.
Naikwento ko na rin dati ng minsan akong may nakausap sa YM
“Paano kita maiintindihan, Kung sarili ko ay hindi mo maintindihan”
O’ pare ko meron ka bang maipapayo
Kung wala ay okey lang
Kailangan lang ay ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na
Malaki ang problema ko, at feeling ko wala ng kalutasan hanggang hindi ako nalilinawan kung anong buhay at kapalaran meron ako.
-oOo-





