Ipinanganak akong mahirap pa sa daga.
Naninirahan sa iskwater kasama ang mga pusang gala:
Magnanakaw, snatcher, pusher, pati na rin mga sunog baga.
Tingin mo hindi ako mapapabilang sa kanila,
Kung araw-araw ko silang makakasma?
Sa buhay na napaka-gulo,
Lahat ng bagay ay matitikman mo;
Kapighatian, kalungkutan at kalbaryo.
Isa lang naman ang sinisisi ko,
Kung bakit ako ipinanganak pa sa mundo!?
Minsan iniisip ko, sana hindi na lang,
Sana hindi ko na ito natitikman:
Buhay na napaka-rupok,
napaka-dumi at puno ng dagok!
Kasalanan din ba ang sumubok?
Ipinanganak akong mahirap pa sa daga.
Naninirahan sa iskwater kasama ang mga pusang gala:
Magnanakaw, snatcher, pusher, pati na rin mga sunog baga.
Tingin mo hindi ako mapapabilang sa kanila,
Kung araw-araw ko silang makakasma?
Malamang kabilang ako sa kanila!
Mga dalaga’t binatang kahirapa’y pasan-pasan nila.
Sa bigat na dinadalay napipilitang sumasakay sa pantasya,
Tumikim ng higit sa sigarilyong ulap ang dala.
Mga ipinagbabawal pero kagaan ang laan sa kanila.
May puntong mauubusan ka,
Kaya pati kakosa ay tinatalo mo na.
Walang kai-kaibigan, kapitbahay at kapamilya.
Basta kailangan na, pati buhay ay isasanla na.
‘Kapit sa patalim’ mga salitang sinasanto nila.
Kung ayaw mong mamatay na dilat ang mga mata.
Makukuha mo talagang lumaban nang mabuhay ka.
Bagama’t sagad, naiisipan pa rin namang bumawi ka.
Inaalala ang mga bukas na dadating..
sinusubukang mag-aral at idaan na lang sa dalangin.
Matutong lumisan sa tingin mo’y pugad ng kalbaryo.
Matutong tumingin kung ito ba’y impyerno.
Hindi gaanoon kadali ang bumuo ng mga magpapabago sayo.
Pero sa iisang bagay ka lang pwedeng manigurado,
Mag-aral at maghanap ng bagong trabaho.
Pero bakit ang hirap pa rin pagdating sa pag-aaral?
Nais mong magtapos pero wala kang sapat na yaman?
Gumawa ng paraan sa tulong ng isang kaibigan.
Dinala sa gusaling ang gabi ay ginagawang araw.
May intabladong nagnining-ning mula sa mga mapang-akit na ilaw.
Muli kong natikman ang sakripisyo para mabuhay
Nagpatikim sa lahat ng uri ng kalaswaaan.
Mga kapwa-lalakeng nagaabot sa’kin ng kayamanan.
Lahat aking sinukmura, lumunok ng sariling dura,
Mairaos lang ang mga bagay na nagdadala ng sigwa.
Tatlong taon ako sa ganoong propisyon
At sa huling gabi ng aking presentasyon
Isang sopresa ang gumulat sa lahat ng manunuod.
Isa itong paglusob na sa ami’y tila nagpalunod.
Walang tumutulong! ang tanging napahinto lang, ay ang mga tugtog!
Nahimas ko ang lamig na rehas.
Natikman ang mga pasakit na tila wala ng takas.
Inasam-asam ang muling paglabas
Doo’y pinangakong magbabago pagdating ng bukas.
At sa wakas! Nabayaran din ang lahat ng paghihirap!
Sa pagharap ng bagong bukas,
Mahirap bumuo ng mga bagong bakas.
Pero hindi naging sagabal iyon para magsimula at magbanat.
Yumakap sa kaunting asenso,
Muling sumubok sa pagbubukas muli nito.
Sa buhay na suntok sa buwan,
Tunay na pag-ibig lang pala ang tutupad.
Sa ilang buwan na hinintay bago ang kasal
Sa hindi inaasahan pagkakataon,
nagkaroon ako ng karamdaman.
Hindi mapaliwanag pero noon pa ma’y nararamdaman.
Mga kaganapan noon sa bar, mga bagay na pinagbabawal.
Napag-alaman ko na ang sakit ko’y wala ng kalutasan.
Napatanong na lang ako sa kaitaasan
‘Bakit kung kailan isinuko ang lahat, doon mo rin pala tatapusin ang lahat.!”